Celebrities kani-kanyang hugot at hanash sa socmed ngayong Valentine's Day

by PEP Troika
Feb 14, 2021
Vin Abrenica, Sophie Albert, Chad Kinis, Rhap Salazar
Kani-kanyang hugot at pagbati ang ginawa ng iba't ibang celebrities ngayong Valentine's Day. Katulad na lang ng pregnancy announcement nina Vin Abrenica at Sophie Albert (kaliwa), hugot ni Chad Kinis (gitna), at ang pagpapahayag ni Rhap Salazar ng pag-ibig niya sa kanyang boyfriend na si Erwin Agoncillo Laroya (kanan).
PHOTO/S: @itssophiealbert Instagram / Chad Kinis Facebook / @rhapsalazar Instagram

JERRY OLEA

Kani-kanya ng hugot sa socmed ang mga tao, maging ang celebrities, ngayong Pebrero 14, Linggo.

Tweets ni Vice Ganda, “Di masamang magdemand ng condom ngayong Valentine’s Day!

“Valentine’s Day ngayon hindi New Year kaya di mo kailangang magpaputok! #nopressure”

Continue reading below ↓

Tweet ni Mrs. Alex Gonzaga-Morada, “Happy valentines day everyone!! At sa lahat ng may asawa, happy lumpuhan mamaya gabi!”

Sa YouTube channel niya ay ipinost ni Alex ang BTS (behind the scenes) sa kasal nila ng “lucky bastard” na si Mikee Morada noong Nobyembre 2020.

Tweets ng parody account ni Mommy Pinty (ina nina Toni at Alex Gonzaga), “Happy Valentines Day! spread love not virus!

Continue reading below ↓

“Mga kabit jan, kalma lang kayo, bukas pa schedule ninyo

“sama ng loob lang ang natanggap ko ngayong valentines”

Continue reading below ↓

Kuwento ni Chad Kinis sa Facebook, pumasok siya sa restaurant ngayong Valentine’s Day.

Tinanong siya ng waiter, “Table for two, sir?”

“Sana all!” sagot daw ni Chad Kinis sa waiter, sabay alis at nag-drive thru na lang siya.

Chad Kinis facebook post about Valentine's Day 2021

Himutok ni Ogie Diaz sa Facebook, “Bakit yung iba, pag Valentine's Day, ang nasa isip, dyugdyog? Nalulungkot sila kasi wala daw silang ‘kangks.’

Continue reading below ↓

“Pag Valentine's Day ba, me usapan ba na kailangan, me dyug? Hindi ba puwedeng sweet-sweetan na muna o i-enjoy muna ang togetherness?

“Ano ba sabi ng pinaniniwalaan mong feng shui expert? Susuwertihin ka raw ba pag nakadyug ka ngayong araw? Na pag hindi ka nakadyug eh matutuyot ka buong taon?

“So pag naka-dyug, me premyo bang naghihintay?

“Pero sige, kung talagang ang meaning sa iba ng Valentine's Day ay ‘dyugdyog,’ at malulungkot silang wala silang ‘dyug’ ngayong araw, aba eh para saan ba ang mga kamay?”

Ogie Diaz Valentine's Day 2021

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Iba naman ang hugot ni Vin Abrenica sa kanyang post.

Kung kahapon, ang kanilang engagement ang pinag-usapan, ngayon naman ay ang kumpirmasyon ng dati nang usap-usapan na pagdadalantao ng girlfriend ni Vin na si Sophie Albert at ang sabi nito, “Soon we get to meet and hold our precious little one! Ahhhhh! I can’t wait! Gigil!”

Vin Abrenica valentine post for Sophie Albert

Continue reading below ↓

Nasa YouTube channel na ni Vin ang engagement vlog nila ni Sophie.

Noong Disyembre 12, 2020 nag-propose si Vin kay Sophie.

Instagram message ni Sophie para sa dinadala niya sa sinapupunan, “I can’t wait to hold you! (baby emoji)”

Dagdag ni Sophie, “Thank you everyone for your all warm wishes. Our hearts are full. Happy Valentine’s day, I hope all your hearts are filled to the brim.”

Sophie Albert valentine's day post with Vin Abrenica

Continue reading below ↓

Ayan na, sa social media na talaga idinadaan lahat ng ganitong rebelasyon!

GORGY RULA

Nang nakapanayam namin si Marian Rivera sa renewal ng endorsement niya sa Walter Mart, isa lang daw ang request nila na lutuin ni Marian sa Araw ng mga Puso. Spaghetti lang daw, happy na sila.

Iyon daw ang request ni Dingdong Dantes, at ganun din ang kay Zia.

Proud si Marian sa sariling sangkap na idinadagdag sa spaghetti kaya type na type ng kanyang pamilya.

“Nakikita nyo naman siguro sa Instagram ko kung paano ko siya lutuin, nandun na yung secret,” pakli ni Marian.

Kaya okey lang daw sila na sa bahay na lang para i-celebrate ang Valentine’s Day.

Pero bago iyan, nakapagbakasyon sila nang ilang araw sa The Farm sa Batangas.

Ang mag-asawang Sen. Bong Revilla at Mayor Lani Mercado ay nag-bonding na lang sa pangalawang gabi ng Kap’s Amazing Valentine’s Giveaway sa Facebook account ng senador.

Continue reading below ↓

Ang dami nilang pinasaya na followers na kung saan namigay sila ng gadgets, E-Bike at cash prizes.

Pero bago sila nagsimula, sinorpresa ni Sen. Bong si Mayor Lani ng bouquet na roses na paborito ni Mayor Lani.

Nasa FB live ni Sen. Bong binasa ni Mayor Lani ang dedication sa nakakabit na card.

Sabi naman ni Sen. Bong, madali lang pasayahin ang asawa niya. Happy na raw siya sa bulaklak na laging ibinibigay niya tuwing may okasyon kagaya nitong Valentine’s Day.

JERRY OLEA

Nag-vlog si FDCP Chairman Liza Diño-Seguerra sa YouTube channel niyang LizLaughLove.

Kasama niya siyempre sa vlog ang asawang si Ice Seguerra.

Liza shared the video on her Facebook account with the message, “Sharing with you the recipe for my favorite cocktail. Ice loves this coz para lang siyang juice and he doesn't taste the alcohol at all. It's made with passionfruit so Ice aptly named it...LIZA'S PASSION.

Continue reading below ↓

“ENJOY! CHEERS!!!”

Valentine’s Day last year nang ipahiwatig ni Rhap Salazar na meron na siyang iniibig na lalaki.

Hindi pa niya pinangalanan noon ang irog niyang si Erwin Agoncillo Laroya, at kapwa sila nakatalikod sa litratong ipinost niya.

Ngayon ay kapwa sila nakaharap sa Instagram post ni Rhap, at naka-tag pa si Erwin.

Sabi ni Rhap, “Some say that my love for you is wrong, but I love you because it feels so right.

“Happy Valentine’s Day, Cheek!”

Rhap Salazar valentine's post for boyfriend Erwin

Continue reading below ↓

Siyanga pala, sa Pebrero 28, Linggo na gaganapin ang Freedom: Regine Velasquez-Alcasid Digital Concert.

Valentine concert sana iyon tonight, pero na-postpone.

Bahagi ng official statement ng ABS-CBN, “Regine tested negative for COVID-19 and will soon resume preparations for the show.

“All previously sold ‘Freedom’ tickets will be honored on the new concert date...”

Regine Velasquez online Valentine's concert postponement statement

Continue reading below ↓

Tuwang-tuwa siyempre si Regine na nag-post tungkol dito sa Instagram at Twitter,

“This is really is it mga Vakla!!!!!!”

Siyempre, may IG message din si Asia’s Songbird para sa kanyang asawa, at naka-link iyon sa Twitter account niya,

“And to my Valentine @ogiealcasid ‘As endless as forever our love will stay together you’re all I need to be here with forever more’ I love you baba Happy Valentine’s Day”

Regine Velasquez valentines post for husband ogie alcasid

Continue reading below ↓

Tweet ni Ogie Alcasid, “Hope you are all having a blessed valentine weekend! Love you all!”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kani-kanyang hugot at pagbati ang ginawa ng iba't ibang celebrities ngayong Valentine's Day. Katulad na lang ng pregnancy announcement nina Vin Abrenica at Sophie Albert (kaliwa), hugot ni Chad Kinis (gitna), at ang pagpapahayag ni Rhap Salazar ng pag-ibig niya sa kanyang boyfriend na si Erwin Agoncillo Laroya (kanan).
PHOTO/S: @itssophiealbert Instagram / Chad Kinis Facebook / @rhapsalazar Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results