Jeric Raval, tinanggap agad ang nagpakilalang anak niya kahit walang katibayan

by Jojo Gabinete
Feb 22, 2021
jeric raval children
Jeric Raval: "Sabi niya, 'Kayo raw ang tatay ko…' Ang sabi ko naman, 'Ah, ganoon ba? Welcome to the club. Kumusta ka naman, anak?'"
PHOTO/S: Mark Atienza

“Si Jeric lang ang malakas.”

Ito ang reaksiyon ng ilang netizens sa rebelasyon ni Jeric Raval sa PEP tungkol sa pagkakaroon nito ng 18 anak sa iba’t ibang babae.

Pero hindi nakakatiyak si Jeric na labingwalo lamang ang kanyang anak dahil sa isang insidenteng nangyari sa shooting ng isang pelikulang ginawa niya noon.

Lahad niya sa Cabinet Files, "There was a time, may shooting ako sa bandang Olongapo, may nagpalitrato sa akin. Ang sabi niya, ‘Idol, pa-picture, ha?’

“Habang nagse-selfie kami, may itinatanong siya sa akin na babae, ‘Idol, kilala mo ba si Claire?’

“Sabi ko, 'Ang dami kong kilalang Claire. Sinong Claire?' Siyempre, hindi ko na natatandaan.

"Pero kahit hindi ko natatandaan, sinabi ko oo para hindi siya mapahiya. 'A, oo, kilala ko, bakit?'

"Kasi sabi niya, 'Kayo raw ang tatay ko…'

"Ang sabi ko naman, 'Ah, ganoon ba? Welcome to the club. Kumusta ka naman, anak?'"

Hindi raw kinontra ni Jeric ang pag-aangkin sa kanya ng taong lumapit para hindi ito magdamdam.

Continue reading below ↓

Saad niya, "Ako naman, mapatunayan ko o hindi kung gusto niya na ako ang tatay niya, e, di sige. Mabibigyan ko pa siya ng kasiyahan.

"Saka malaki na siya, e, kapag idinenay mo ‘yon, magdaramdam sa 'yo yun, anak mo man siya o hindi.

"E, yun lang tanggapin mo siya na anak mo, malaking pasasalamat na ‘yon.

"Kung minsan nga, meron kang kaibigan, itinuturing mo na kapatid, yun pa pa kayang nagpakilala sa 'yo na anak mo? Wala naman problema sa akin yun."

Pero tulad ng sinabi ni Jeric sa nakaraang panayam sa kanya ng Cabinet Files, kung maibabalik lamang niya ang panahon ay hindi na siya mambababae at mag-aanak nang marami dahil hindi madali ang magkaroon ng malaking pamilya.

"Yun ang hindi ko na dadaanan uli. Siyempre, nasasaktan yung asawa ko. Nagdaramdam din siya sa mga ginagawa ko, pero hindi ko siya pinagbuhatan ng kamay," pahayag ng aktor.

Sinisisi raw ni Jeric ang sarili kapag nasasaktan niya emotionally ang kanyang tunay na asawa.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Read Next
Read More Stories About
Jeric Raval, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Raval: "Sabi niya, 'Kayo raw ang tatay ko…' Ang sabi ko naman, 'Ah, ganoon ba? Welcome to the club. Kumusta ka naman, anak?'"
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results