AJ Raval, tunay na ina ang turing sa legal wife ng amang si Jeric Raval

by Jojo Gabinete
Feb 25, 2021
AJ Raval (left) and stepmother Holiday (right),  Holiday is the legal wife of Jeric Raval
AJ Raval (left) on stepmother Holiday (right), the legal wife of her dad Jeric Raval: "To be honest, siya talaga ang alam ko na mother ko nung bata pa ako. Of course, minahal ko si Deyow. Inalagaan niya ako, minahal, tinanggap, pinalaki na maayos, at tinuruang makipag-kapwa tao."

Hindi nagulat si AJ Raval nang mag-trending sa social media ang kanyang ama na si Jeric Raval dahil sa pag-amin nitong labingwalo ang mga anak niya sa iba’t ibang babae.

Alam at tanggap na tanggap ni AJ na marami silang magkakapatid dahil ipinamulat sa kanila ni Jeric na walang kapatid sa labas sa pamilya nila.

"Kilala ko ang lahat ng mga kapatid ko, sila lang ang barkada ko. Close talaga kami, walang samaan ng loob at lahat kami ay nagmamahalan.

"Ang sabi ng tatay ko, walang kapatid sa labas. Kapag kapatid mo, kapatid mo."

"Very protective, makulit, at super lambing" ang description ni AJ kay Jeric.

Continue reading below ↓

AJ'S STEPMOTHER

Tulad ng kuwento ng action star, lumaki si AJ sa pangangalaga ni Holiday, ang kanyang stepmother at legal wife ng action star.

Si Holiday ang nakagisnang nanay ni AJ dahil siya ang nag-alaga at nagpalaki sa kanyang stepdaughter mula noong three years old hanggang 14 years old ito.

"Deyow" ang tawag ni AJ sa kanyang stepmother, na mahal na mahal niya at itinuring na tunay na ina.

"Yes, kay Deyow ako lumaki and dala-dala ko ang family name niya.

"To be honest, siya talaga ang alam ko na mother ko nung bata pa ako.

"Of course, minahal ko si Deyow. Inalagaan niya ako, minahal, tinanggap, pinalaki na maayos, at tinuruang makipag-kapwa tao," sabi ni AJ sa Cabinet Files.

Ikinalungkot daw nang husto ni AJ ang pag-alis sa poder ni Holiday o Deyow dahil kailangan na niya noong bumalik sa piling ng kanyang biological mother, ang dating sexy star na si Alyssa Alvarez.

"Siyempre, malungkot ako dahil iiwan ko na si Deyow at ang mga kapatid ko na kasama kong lumaki.

"At the same time, happy din ako dahil makakasama ko ang biological mother ko at ang mga kapatid ko sa kanya."

AJ'S BIOLOGICAL MOTHER

Hindi ba nagkaroon ng epekto sa pagkatao mo na ang stepmother mo at hindi ang biological mother mo ang nagpalaki sa 'yo?

Sagot ni AJ, "Wala naman ganoon sa akin. Hindi naman ako pinabayaan or inapi at naiintindihan ko ang lahat kung bakit nangyari ‘yon.

"Okay na okay ang biological mother ko, napaka-supportive niya sa akin. Parang magbarkada kami.

"Pinagbibigyan niya ako sa lahat dahil gusto niyang bumawi sa ilang years na hindi kami nagkasama.

"Of course, na-appreciate ko ‘yon. May misunderstandings sometimes dahil iba ang kinalakihan ko, pero habang tumatanda ako, naiintindihan ko naman."

Tinatanaw ni AJ na malaking utang na loob ang unconditional love at maayos na pagpapalaki sa kanya nina Jeric at Holiday, kahit anak siya ng aktor sa ibang babae, kaya lubos ang pasasalamat niya.

Continue reading below ↓

"Thank you for taking care of me, sa lahat ng pag-iintindi kahit minsan may katigasan ang ulo ko, pero I love them so much.

"I always pray na lagi silang healthy, safe and happy," mensahe ni AJ para kay Jeric at sa stepmother na mahal na mahal niya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval (left) on stepmother Holiday (right), the legal wife of her dad Jeric Raval: "To be honest, siya talaga ang alam ko na mother ko nung bata pa ako. Of course, minahal ko si Deyow. Inalagaan niya ako, minahal, tinanggap, pinalaki na maayos, at tinuruang makipag-kapwa tao."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results