PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yassi Pressman, napiling mag-host ng game show na Rolling In It

Ang Rolling In It ay Philippine franchise ng isang British game show.
by Jojo Gabinete
Published Feb 27, 2021
Yassi Pressman
Yassi Pressman, napiling mag-host ng Philippine franchise ng British game show na Rolling In It.
PHOTO/S: @yassipressman on Instagram

Halos limang taon napanood si Yassi Pressman sa Ang Probinsyano kaya may mga nalungkot nang patayin ang kanyang karakter na si Alyana Arevalo-Dalisay.

Hudyat iyon ng pagpapaalam niya sa drama action series na pinagbibidahan ni Coco Martin noong January 2021.

Kahit pinatay na ang karakter niya, napapanood pa rin ang karakter ni Yassi dahil sa mga flashback scenes na isinisingit sa mga episode ng Ang Probinsyano.

Sa pagkawala niya sa primetime drama series ng Kapamilya Channel, may bagong hamon kay Yassi. Ito ay ang pagiging host ng game show na Rolling In It.

Rolling In It

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Rolling In It

Ang Rolling In It ang British game show na base sa arcade-style machine.

Ang English television presenter na si Stephen Daniel Mulhern ang host ng game show na nag-umpisang ipalabas sa ITV United Kingdom noong August 2020 hanggang sa kasalukuyan.

Si Yassi ang napiling maging host ng Philippine version ng Rolling In It na isang Fremantle Media franchise.

Magsisimula sa April 2021 ang taping ni Yassi para sa Rolling In It at mapapanood ito sa TV5 sa May 2021.

Magdiriwang si Yassi ng kanyang 26th birthday sa May 11, kaya ang pagkakaroon ng sariling game show ang isa sa mga early birthday present na kanyang natanggap at bagong kabanata sa kanyang 15-year-old showbiz career.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yassi Pressman, napiling mag-host ng Philippine franchise ng British game show na Rolling In It.
PHOTO/S: @yassipressman on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results