PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas on Mygz Molino and Mahal relationship

Ai-Ai: "Kung anuman ang meron sila, platonic man, pero pure love ‘yon."
by Jojo Gabinete
Published Feb 27, 2021
Ai-Ai delas Alas on Mygz Molino and Mahal: "Makikita mo sa kilos at sa mga mata ni Mygz na genuine siyang tao, pati ang love niya kay Mahal. Kung anuman ang meron sila, platonic man, pero pure love ‘yon."
PHOTO/S: @aiaidelasalas on Instagram / @mygz.molino on Instagram

Napaluha si Ai-Ai delas Alas nang mabasa niya ang interbyu ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Mygz Molino, ang YouTuber na nag-aalaga, sumusubaybay, at nagmamalasakit kay Mahal.

Napaiyak si Ai-Ai dahil magkasama sila ni Mahal sa lock-in taping ng Owe My Love ng GMA-7. Nasaksihan nila ng kanyang mga kasamahan sa programa ang taos-puso at unconditional love ni Mygz para sa maliit na comedienne.

“Naiyak ako kasi kilala ko si Mygz. Napaka-genuine ng concern niya kay Mahal.

”Halimbawa, nakabukaka si Mahal, si Mygz ang nag-aayos ng damit niya para hindi makita ang kanyang panty.

”Si Mygz din ang kumakarga sa kanya kapag umaakyat sa third floor. Basta, ibang klase ang pagmamahal niya, nakakatuwa,” kuwento ni Ai-Ai.

Si Ai-Ai ang naging instrumento ng Cabinet Files para makumbinsi si Mygz na magpainterbyu sa PEP.ph tungkol sa kakaibang klase ng pagkakaibigan nila ni Mahal.

Kuwento ni Ai-Ai, “Bilib ako kay Mygz. Sobrang humahanga ako sa kanya. Hinahainan din niya ng pagkain si Mahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nung naglaro kami ng guess the word para sa vlog ni Kiray, nag-split si Mahal. Napabukaka siya, to the rescue agad si Mygz."

Ai-Ai Delas Alas, Mahal, Mygz Molino

Patuloy niya, "Makikita mo sa kilos at sa mga mata ni Mygz na genuine siyang tao, pati ang love niya kay Mahal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kung anuman ang meron sila, platonic man, pero pure love ‘yon.

"Blessed na blessed si Mahal. Gift ni Lord si Mygz sa kanya."

Hindi naniniwala si Ai-Ai na may motibo o pansariling interes si Mygz kaya pinakikisamahan nito si Mahal.

Hindi lamang si Ai-Ai ang humahanga sa pag-aasikaso ni Mygz kay Mahal dahil pareho ang opinyon nila ni Kiray.

Saksi si Kiray sa pag-alalay ni Mygz kay Mahal sa bawat kilos nito at sa pag-aayos ng mga gamit ng kanyang kapwa comedienne.

Kahapon, February 26, natanggap ni Mygz ang malungkot na balitang namatay ang kanyang kapatid na lalake kaya umuwi siya sa Tanauan, Batangas.

Ayaw ni Mahal na magpaiwan sa set ng Owe My Love kaya sumama siya kay Mygz sa Tanauan.

Sa pakikipag-usap kay Mygz ng Cabinet Files nitong Sabado nang hapon, tiniyak niyang babalik si Mahal sa lock-in taping ng Owe My Love kaya muli silang sasailalim sa COVID 19- swab test.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on Mygz Molino and Mahal: "Makikita mo sa kilos at sa mga mata ni Mygz na genuine siyang tao, pati ang love niya kay Mahal. Kung anuman ang meron sila, platonic man, pero pure love ‘yon."
PHOTO/S: @aiaidelasalas on Instagram / @mygz.molino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results