Watch Now

Sa kontrobersiyang Bea-Gerald-Julia, mas apektado ang nakikiusyosong publiko

by Jojo Gabinete
Mar 7, 2021
posts of bea alonzo, julia barretto, gerald anderson
Marami likes at comments ang mga posts nina Bea Alonzo (kaliwa) at Julia Barretto (gitna). Pero walang masyadong likes at comments sa mga posts ni Gerald Anderson (kanan) na tila sinisisi ng mga nakikiusyosong publiko sa kontrobersiyang kinasasangkutan nilang tatlo.
PHOTO/S: Instagram: @beaalonzo | @juliabarretto | @andersongeraldjr

Halos dalawang taon na ang kontrobersya tungkol sa love triangle nina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto na nag-umpisa noong July 21, 2019.

Maraming buwan na pinagpistahan ito at isa sa mga pinakamalaking showbiz news ng taon na iyon.

Pero interesado pa rin ang publiko sa kanilang mga kuwento.

May closure na ang isyu dahil sa pag-amin ni Gerald na may relasyon sila ni Julia sa exclusive interview sa kanya ni Boy Abunda noong March 5.

Sa Instagram post ni Julia ngayong araw, na itinaon niya sa kaarawan ng 32-year-old na boyfriend, ipinahayag nitong mahal niya si Gerald.

Nauugnay naman si Bea kay Dominic Roque at pinaniniwalaan na nagkakamabutihan na, pero wala pang direktang pag-amin mula sa dalawa.

Ang likes at comments sa mga Instagram post nina Bea at Julia ang matibay na ebidensya na sinusubaybayan at malaki ang interes ng publiko sa isyu na kinasasangkutan nila.

At presstime, may 537,400 likes at 12,016 comments ang pinag-uusapang Instagram post ni Bea kahapon, March 6, dahil sa kanyang TIME AS THE ULTIMATE TRUTH TELLER statement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iniiugnay ito ng mga tao sa kumpirmasyon ni Gerald na girlfriend na nito si Julia.

Apat na oras pa lang ang Instagram post ni Julia nitong Linggo nang hapon, March 7, tungkol sa birthday message niya kay Gerald pero meron na itong 407,561 likes at 43,007 comments.

Unfortunately, malungkot ang pagtanggap ng publiko sa pagsasalita at pagtatapat na ginawa ni Gerald.

Walang kinalaman kina Bea at Julia ang mga Instagram post ni Gerald, pero kung pagbabatayan ang mababa na bilang ng likes at hateful comments ng netizens, siya ang sinisisi ng mga tao na higit na apektado.

Tila nahihirapan na mag-move on at magpatawad, kahit hindi sila ang mga sangkot sa usapin.

Nakikiusyoso lamang sila pero dinaig pa nila ang ngitngit noon ni Bea.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marami likes at comments ang mga posts nina Bea Alonzo (kaliwa) at Julia Barretto (gitna). Pero walang masyadong likes at comments sa mga posts ni Gerald Anderson (kanan) na tila sinisisi ng mga nakikiusyosong publiko sa kontrobersiyang kinasasangkutan nilang tatlo.
PHOTO/S: Instagram: @beaalonzo | @juliabarretto | @andersongeraldjr
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results