PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anne Curtis, hangad makita nang personal ng Molbog brothers

Gusto nila siyang mapasalamatan nang personal.
by Jojo Gabinete
Published Mar 14, 2021
Noong Nobyembre 2020, pinasalamatan ni Ronald Molbog, isang portrait artist, si Anne Curtis dahil malaki ang naitulong ng aktres sa appendectomy surgery ng kapatid ni Ronald na si Reymark.
PHOTO/S: @annecurtissmith on Instagram

Ikinatuwa ng magkapatid na Ronald at Reymark Molbog ang pagbabalik sa Pilipinas ni Anne Curtis at ng pamilya nito noong unang linggo ng March 2021.

Mas malaki na ang tsansang makilala nila nang personal ang aktres na tumulong sa kanila noong November 2020.

Si Ronald ang portrait artist na ginamit ang kanyang Facebook page para manawagan sa mga taong may mabubuting kalooban dahil kailangan ng pamilya niya ng pera para sa appendectomy surgery ni Reymark.

Ang pagbebenta ng kanyang mga artwork, kabilang ang charcoal portrait ni Anne, ang isang solusyon na naisip ni Ronald. At bagamat nakalikom siya ng pera para sa operasyon ni Reymark, hindi sapat ang kinita niya, kaya nanawagan siya gamit ang social media.

Nakita ng fans ni Anne ang apela ni Ronald at sila ang nag-tag sa aktres ng panawagan ng portrait artist.

At the time, nasa Australia si Anne dahil doon niya isinilang ang panganay nila ni Erwan Heussaff, pero kumilos siya agad nang makarating sa kanyang kaalaman ang kahabag-habag na kalagayan ni Reymark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang panawagan noon ni Ronald: "Kakapalan ko na po ang mukha ko. Gusto ko lang po sana humingi ng kaunting tulong para sa operasyon ng kapatid ko.

"Gusto ko pong ibenta ang artworks ko o pagbigay ng kahit piso lang wala na po talaga kase kaming ibang malapitan.

"Ang mama ko walang trabaho, lahat may sakit din. Ang papa ko patay na, kuya ko na lang bumubuhay sa amin wala rin siya ngayong trabaho

"Lahat ng puwedeng mahingian ng tulong nalapitan na namin pasensya na po kayo sa abala. Kahit pag-share na lang po neto o piso-pisong tulong, maraming-maraming salamat po sa inyo sa mga gustong tumulong."

anne helps ronald

Nagulat nang makatanggap siya ng mensahe mula sa isang tauhan ng Dream Machine, ang charity foundation ni Anne na tumutulong sa mga kapus-palad at nagpapatayo ng mga classroom sa mga public school.

Ang Dream Machine ang nagbayad sa operasyon ni Reymark kaya lubos at abot-abot ang pasasalamat nila ni Ronald kay Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang ganti, gumuhit si Ronald ng charcoal portrait nina Anne at Erwan.

Noong November 22, 2020, nag-post siya sa Twitter ng artwork niya para sa mag-asawa na may kalakip na mensahe na: “Hi Ms. Anne, ako po yung kapatid ni Reymark, yung inoperahan po. Maraming-maraming salamat po ulit sa tulong niyo sa amin sa operasyon niya.

“Ginawan ko nga po pala kayo ng charcoal portrait. Gusto ko sanang ibigay sa inyo.”

Hindi nasayang ang tweet ni Ronald dahil nakatanggap agad siya noon ng sagot mula kay Anne, “Awwww pakisabi sa kapatid. Maraming-maraming salamat. This is so sweet.”

Ang heartwarming at inspiring na pagtulong ni Anne sa Molbog brothers ang feature story ng Cabinet Files at ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 22, 2020.

Anne Curtis, Ronald Molbog

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayong naririto na si Anne sa Pilipinas, ang makilala siya at mapasalamatan nang personal ang pangarap nina Ronald at Reymark, ang mga estranghero na natulungan ng aktres.

"Gusto ko lang po talaga na maibigay sa kanya yung charcoal portrait at mapasalamatan siya nang personal. Hindi ko po alam kung paano siya mapasasalamatan sa ginawa niyang pagtulong sa amin.

"Gustung-gusto ko siya na makita sa personal dahil isa po kasi siya sa mga hinahangaan ko na artista. Sobrang napakabait niya. Hindi ko po ine-expect na makakarating sa kanya ang paghingi namin ng tulong.

"Hinding-hindi po namin makakalimutan ang ginawa niya na pagtulong sa amin. Sobrang nagpapasalamat talaga kami dahil nung mga oras na iyon, hindi na po talaga namin alam ang gagawin. Wala na po talaga kaming ibang malapitan.

"Kung nababasa niyo man ito ngayon Miss Anne, hindi po namin kayo makakalimutan,” ang pahayag ni Ronald nang makausap siya ng Cabinet Files kagabi, March 13, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong Nobyembre 2020, pinasalamatan ni Ronald Molbog, isang portrait artist, si Anne Curtis dahil malaki ang naitulong ng aktres sa appendectomy surgery ng kapatid ni Ronald na si Reymark.
PHOTO/S: @annecurtissmith on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results