PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Erwin Garcia, anak ni Eddie Garcia, pumanaw sa araw ng 65th birthday

Cirrhosis of the liver ang karamdaman ni Erwin.
by Jojo Gabinete
Published Mar 14, 2021
Erwin Garcia (R) ang pangalawa sa tatlong anak ni Eddie Garcia (L) sa asawang si Lucilla Scharnberg.
PHOTO/S: https://www.facebook.com/erwin.garcia

Sumakabilang-buhay kahapon, March 13, 2021, sa edad na 65, si Erwin Garcia, ang pangalawa sa tatlong anak ng legendary actor na si Eddie Garcia.

Sina Erwin, Eduardo Jr., at Elizabeth ay mga anak ni Eddie sa asawa nitong si Lucilla Scharnberg, na namatay noong 1995 dahil sa cancer.

Eddie Garcia and Lucilla Scharnberg

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Cirrhosis of the liver ang karamdaman ni Erwin. Na-comatose ito habang naka-confine sa isang ospital sa San Juan City, at binawian ng buhay sa mismong araw ng kanyang kapanganakan.

Si Erwin na lamang ang nag-iisang buhay na miyembro ng pamilya nina Eddie at Lucilla.

Sa kanyang pagpanaw kahapon, wala nang natira sa family ng mahusay na aktor na matagal ding na-comatose bago nasawi noong June 20, 2019.

Hindi sinundan ni Erwin ang yapak ng kanyang ama sa showbiz, pero naging kaibigan siya ng maraming artista.

Ang panganay na kapatid ni Erwin na si Eduardo "Eddieboy" Jr. ang pumasok sa showbiz, pero short-lived ang kanyang acting career dahil namatay siya sa isang motorcycle accident sa edad na 22.

Ang pangyayaring ito ay itinuturing ni Eddie na pinakamalaking trahedya na nangyari sa buhay niya.

Eddie Garcia son Erwin Garcia

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumanaw naman noong 1996 dahil sa heart attack ang nag-iisang anak na babae ni Eddie na si Elizabeth.

Ang anak ni Elizabeth na si Angelika ang nagkumpirma ngayon, March 14, sa Cabinet Files tungkol sa pagpanaw ni Erwin.

Hindi pa makapagbigay ng detalye si Angelika dahil inaayos pa nila ang burol ng kanyang tiyo, pero tiniyak niya na magkakaroon ng viewing pagkatapos ng cremation sa bangkay ng namayapa.

Ang voice-over niya para sa Manoy, Isang Pagsaludo kay Eddie Garcia ang isa sa mga huling alaala na naiwan ni Erwin.

Ang Manoy ay isang documentary movie tungkol sa kanyang ama. Si Jon Red ang direktor ng Manoy na nakatakda ang premiere streaming sa VivaMax sa March 19, 2021.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Erwin Garcia (R) ang pangalawa sa tatlong anak ni Eddie Garcia (L) sa asawang si Lucilla Scharnberg.
PHOTO/S: https://www.facebook.com/erwin.garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results