Naganap ang swimsuit competition ng Miss Grand International 2020 sa Lebua State Tower sa Bangkok, Thailand, ngayong Sabado ng umaga, March 20.
Pinag-usapan ito dahil sa nip slip exposure ni Miss Grand Myanmar Han Lay.
Ang 20-year-old beauty queen mula sa Myanmar ang isa sa mga paboritong kandidata sa 8th edition ng Miss Grand International.

Lalong umingay ang pangalan niya dahil sa accidental nip slip na kanyang naranasan sa swimsuit competition.
Naramdaman ni Han Lay ang nip slip na nangyari, pero imbes na masiraan ng loob, ipinagpatuloy niya ang pagrampa at dahan-dahang itinaas ang kanyang bumabang bikini top.
Medyo revealing ang two-piece swimsuit na ipinasuot sa 63 official candidates ng Miss Grand International kaya may peligro talagang magkaroon ng bikini malfunction.
Marami ang naawa kay Han Lay dahil sa kanyang karanasan, pero hinahangaan din ang professionalism na ipinamalas niya.
Umaasa ang mga nakapanood sa YouTube airing ng swimsuit competition ng Miss Grand International na ma-edit agad ang eksena ni Han Lay para hindi na siya malagay sa embarrassing situation.
Miss Grand Philippines
Si Samantha Bernardo ang official delegate ng Pilipinas sa nasabing beauty pageant.
Pinupuri ng ating mga kababayan ang kanyang confidence at performance sa swimsuit competition ng Miss Grand International 2020.

Nakatakda ang coronation night ng Miss Grand International 2020 sa March 27 sa Ultra Arena Show DC sa Bangkok, Thailand.