Samantha Bernardo, pasok sa Top 20 ng Best in Swimsuit competition ng Miss Grand International 2020

by Jojo Gabinete
Mar 23, 2021
Pasok sa Round 2 ng Best in Swimsuit competition ng Miss Grand International si Miss Grand Philippines Samantha Bernardo.
PHOTO/S: @samantha bernardo on Instagram

Kailangan muli ni Miss Grand Philippines Samantha Bernardo ang suporta ng Filipino netizens para sa Round 2 ng Best in Swimsuit competition ng Miss Grand International 2020 para makuha niya ang nabanggit na special award.

Animnapu’t tatlo ang bilang ng opisyal na kalahok sa international beauty pageant na idinaraos sa Bangkok, Thailand.

Dalawampung kandidata ang pinili sa Round 1 ng Best in Swimsuits competition. Sampu ang pinili sa pamamagitan ng online voting at sampu ang ibinoto ng mga hurado.

Kasama si Samantha sa Top 20 ng Round 1 ng Best in Swimsuits finalists.

Para sa Round 2, sampu na lamang ang matitira—lima ang pipiliin ng mga hurado at lima ang iboboto ng netizens.

Nagsimula ngayong March 23, 11 a.m., ang online voting at matatapos ito bukas, March 24, 6 p.m.

Naglabas ang Miss Grand International organizers ng bagong vote rules para sa online voting.

Kinukuwestyon ng ibang pageant fans ang pagpili ng winner sa Best in Swimsuit competition.

Continue reading below ↓

Para sa kanila, hindi makatarungang gawing basehan ang online votes at ang popularidad ng mga kandidata dahil unfair ito sa mga contestant na mahuhusay pero kaunti lamang ang bilang ng mga supporter.

Isa si Samantha sa mga contestant na may pinakamaraming boto na tinanggap dahil bukod sa kanyang trending Granada Walk, pinaghandaan niya ang swimsuit competition.

Higit sa lahat, matindi ang suporta na ibinigay sa kanya ng mga Pilipino na tunay na maaasahan kapag online voting ang batayan ng magwawagi.

Nakatakda naman ang National Costume Competition ng 8th Miss Grand International bukas, March 24.

Gaya ng swimsuit competition, inaabangan ng mga kababayan natin ang National Costume na gagamitin ni Samantha.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pasok sa Round 2 ng Best in Swimsuit competition ng Miss Grand International si Miss Grand Philippines Samantha Bernardo.
PHOTO/S: @samantha bernardo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results