PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Quezon City killer cop Hensie Zinampan sinibak na sa serbisyo

PNP Chief General Guillermo Eleazar, inanunsiyo ang pagsibak kay Zinampan.
by Jojo Gabinete
Published Jun 25, 2021
Inanunsiyo ni PNP Chief General Guillermo Eleazar (kanan) ang pagsibak kay Police Master Sergeant Hensie Zinampan (kaliwa) sa serbisyo. Si Zinampan ay nahaharap sa kasong murder dahil sa pagbaril nito sa kanyang kapitbahay na si Lilybeth Valdez noong May 31, 2021.
PHOTO/S: Screen grab from Bea Bernardo Facebook

Sinibak na sa puwesto si Police Master Sergeant Hensie Zinampan ng Police Security Protection Group ng Camp Crame dahil sa pagpaslang niya kay Lilybeth Valdez ng Fairview, Quezon City, noong Mayo 31, 2021.

Si Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar mismo ang personal na nag-anunsiyo sa publiko tungkol sa pagkakatanggal kay Zinampan sa serbisyo.

Pahayag ni Eleazar, “Today, I signed the dismissal order of Police Master Sergeant Zinampan who was found guilty of grave misconduct and conduct unbecoming of a police officer.

“Si Zinampan ay nakakulong ngayon kahit may kinakaharap siyang murder case.

"Ang pagkakatanggal ni Zinampan sa serbisyo ay isa lamang patunay na hindi namin kinukunsinti ang mga pang-aabuso at kamalian sa aming hanay.

"Ito rin ang nagpapatunay na ang disciplinary mechanism sa PNP ay gumagana, matatag, at maaasahan."

Dagdag pa ng PNP chief, "Let this incident be a warning to all PNP personnel that I will not tolerate wrongdoings in our organization and a constant reminder to each and everyone of us to live up to what the three important and meaningful words in the PNP Seal—service, honor, and justice."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Murder ang kasong isinampa laban kay Zinampan dahil sa kanyang point blank na pamamaril kay Valdez.

Nakunan ng video ang insidente kaya hindi niya maitatanggi ang krimenng ginawa.

Mapapanood sa viral video na bago binaril sa leeg si Valdez, nakiusap itong huwag siyang sabunutan ng lasing na si Zinampan. Pero hindi pinakinggan ng pulis ang pagmamakaawa ng walang kalaban-labang biktima.

Si Valdez ang ginantihan ni Zinampan, na nakaaway at nakasuntukan ng anak na lalake ng biktima noong May 1, 2021.

Isa si Zinampan sa mga miyembro ng PNP na nagtanggol sa kanilang organisasyon nang patayin ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca ang mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa insidente ng pamamaril na nangyari sa Paniqui, Tarlac, noong December 20, 2020.

Sa kanyang Facebook post noong December 29, 2020, sinabi ni Zinampan na mabuti siyang pulis at hindi kasalanan ng buong PNP ang kasalanan ni Nuezca.

Pahayag ni Zinampan: “I am PMSg Hensie A Zinampan 14 years in serving and protecting taas noo kong pinapanindigan ang integridad ng aking uniporme. Buong puso ang dedikasyon sa trabaho. I AM PROUD TO BE A GOOD COP.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“While there are unfortunate incidents like this, the vast majority of you, PNP perform their sworn duties everyday with honor and integrity to protect and serve the people.

“The sin of Nuesca is not the sin of the entire PNP, as we have seen during the past disasters and this pandemic, we place our lives on the line as first responders and frontliners.”

Pero makalipas ang anim na buwan, binansagan na rin siyang "killer cop" dahil sa pagpaslang niya kay Valdez.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inanunsiyo ni PNP Chief General Guillermo Eleazar (kanan) ang pagsibak kay Police Master Sergeant Hensie Zinampan (kaliwa) sa serbisyo. Si Zinampan ay nahaharap sa kasong murder dahil sa pagbaril nito sa kanyang kapitbahay na si Lilybeth Valdez noong May 31, 2021.
PHOTO/S: Screen grab from Bea Bernardo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results