'90s heartthrobs Mark Anthony Fernandez at Jao Mapa, nakipagsabayan sa young sexy actors

by Jojo Gabinete
Aug 14, 2021
Pumayag si Mark Anthony Fernandez (kaliwa) na mag-underwear lamang sa isang eksena niya sa pelikulang Deception. Si Jao Mapa (kanan) naman ay hindi inatrasan ang nagbabagang love scenes nila nina Rhen Escaño at Gwen Garci.
PHOTO/S: File / Instagram

Aktibo muli sa showbiz ang '90s heartthrobs na sina Mark Anthony Fernandez at Jao Mapa.

Nakikipagsabayan din sila sa mga young sexy actor na sina Paolo Gumabao at Sean de Guzman dahil sa kanilang mga daring scene.

Ang Paraluman ang comeback movie ni Jao, na hindi inatrasan ang hamon na gawin ang mga nagbabaga na love scenes nila nina Rhen Escaño at Gwen Garci.

Ang Deception naman ang pagbabalik-bida ni Mark sa pelikula.

Excited na si Mark mapanood ang Deception dahil ibang-iba ang karakter na ginampanan niya rito.

Sa sobrang excitement, panay ang tanong ni Mark sa mga nakapanood ng rushes ng Deception sa marka o rating na ibibigay sa kanyang physical appearance at appeal sa pelikula.

May rason kaya sabik na sabik si Mark na mapanood ang Deception. Napapayag kasi siyang gawin ang babad na eksena na white underwear lamang ang kanyang suot.

Physically fit si Mark sa eksenang tinutukoy nito dahil dinalasan niya ang pagpunta sa gym bilang paghahanda sa reunion movie nila ng ex-girlfriend niyang si Claudine Barretto.

Continue reading below ↓

Nagtagumpay naman siya sa kanyang misyon.

"Maganda ang eksena," sabi ni Mark nang tanungin kung bakit nakumbinsi siyang maghubad sa harap ng kamera.

Dahil physically fit, walang mag-aakalang 42 years old na siya.

Ikinuwento ng isang production insider na nagpabili pa sila ng bagong white underwear para kay Mark bago kinunan ang eksena na isa sa mga highlight ng Deception.

Ginagampanan ni Mark sa Deception ang papel ng isang bit player sa pelikula na nagkaroon ng relasyon sa isang sikat na aktres (Claudine) pero may masama siyang motibo.

Mas nahirapan si Mark sa hair extension na ipinagamit, pati sa bigote at balbas na inilagay sa kanyang mukha dahil mainit sa pakiramdam, kesa sa underwear scene.

Pero ipinagmamalaki niya nang sobra ang pelikula nila ni Claudine.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pumayag si Mark Anthony Fernandez (kaliwa) na mag-underwear lamang sa isang eksena niya sa pelikulang Deception. Si Jao Mapa (kanan) naman ay hindi inatrasan ang nagbabagang love scenes nila nina Rhen Escaño at Gwen Garci.
PHOTO/S: File / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results