PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mike Hanopol says Manny Pacquiao still owes him money

Mike Hanopol, di pa raw binabayaran ni Manny Pacquiao.
by Jojo Gabinete
Published Aug 23, 2021
Pinoy rock legend Mike Hanopol (left) on legendary Pinoy boxer Manny Pacquiao (right): “Biro mo, barya lang, hindi niya mapakawalan, tapos sasabihin niya, ‘Yung pera na dumating sa akin, balewala ‘yan. Hindi ‘yan ang importante sa akin. Sa akin lang, matulungan ang lahat ng mga nangangailangan.’ Ano yung pinagsasasabi niya? Ayoko nang makialam sa mga ganyan, ayoko na."
PHOTO/S: Courtesy of Mike Hanopol

Nilinaw ng Pinoy rock icon na si Mike Hanopol na walang halo o kulay-pulitika ang desisyon niyang ilantad sa publiko ang paniningil kay Senator Manny Pacquiao.

Ito ay para sa tatlong kanta na ipinasulat sa kanya ng Pambansang Kamao noong September 2019.

Si Mike ay dating miyembro ng legendary rock band na Juan de la Cruz, kung saan kasama niya sina Pepe Smith at Wally Gonzalez na pareho nang yumao.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ng 75-year-old rock singer na sinisingil niya kay Pacquiao ang kanyang talent fee bilang singer at songwriter dahil kailangang-kailangan niya ng pera.

Nagkataon lang daw na lumabas ang isyu nang matalo ang Pinoy boxing champ sa laban nito kay Yordenis Ugas ng Cuba kahapon, August 22.

Nabuo ang kasunduan nina Mike at Pacquiao nang magkita sila sa opisina ng senador sa Senado noong September 19, 2019.

Ang Jewish travel vlogger na si Drew Binsky ang kasama ni Mike, at isa siya sa mga makapagpapatunay tungkol sa naganap na pag-uusap ng dalawa.


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mike Hanopol, Drew Binsky, and Manny Pacquiao

“Walang halong ano ito… alam ko maraming nag-iisip na may halong ibang kulay, kulay-pulitika, naku po! Wala ako niyan,” sabi ni Mike nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Lunes ng hapon, August 23.

Lahad pa niya, "Hindi pa siya bayad. Para sa simbahan niya ang mga kanta. Siya mismo ang kausap ko."

Magkano ang sinisingil niya kay Pacquiao?

Ayon kay Mike, “Inaayos ko pa ang presyo kasi may standard, e, kung magkano ang composition.

"Depende ‘yan sa status ng kanta, naglalaro na ‘yan pataas. Depende kung commercial.

“Meron pang studio na babayaran, isang libong piso lang; ang musikero, P50,000 lang naman yun.

“Yung mga kanta, nasa kanya na. Lyrics at melody, nasa kanya na. Ako ang kumanta.”

Hindi masabi ni Mike ang dahilan kung bakit hindi pa siya binabayaran para sa kanyang serbisyo, pero hindi na sila nagkausap nang bumalik siya sa opisina ni Pacquiao para maningil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng rock icon, “Naku… siyempre, unang-una, hindi ko alam kung sinadya niya na hindi ako bayaran o marami siyang appointment, busy masyado.

“Nung in-appoint niya ako, kinomisyon niya ako na gumawa ng tatlong kanta, bumalik pa ako sa senado para magtanong, wala na siya. Hindi na siya sumisipot.

“Tatanungin ko kung magbabayad ba, magkano ba ibabayad? Driver niya mismo ang kausap ko, si Amay.

“Nagsawa na lang ako, pero hindi na ako makatiis dahil ang dami ko nang kailangan na panggastos.

"Galing ako sa ospital, walang kapera-pera, walang tugtugan, wala lahat, kaya napilitan akong ilabas ‘yan.”

Tinamaan ng COVID-19 si Mike noong June 2021.

May mensahe ba siya para kay Pacquiao?

Sabi ni Mike, “Bayaran lang ako, tapos!

"Bayaran ako nang sapat. Hindi naman ako naghahangad ng maraming pera, hindi!

“Biro mo, barya lang, hindi niya mapakawalan, tapos sasabihin niya, ‘Yung pera na dumating sa akin, balewala ‘yan. Hindi ‘yan ang importante sa akin. Sa akin lang, matulungan ang lahat ng mga nangangailangan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ano yung pinagsasasabi niya? Ayoko nang makialam sa mga ganyan, ayoko na.

“Basta ako bayaran lang. Basta magbayaran lang kami, tapos na okay na ‘yan. Wala na.

"Pero hangga’t hindi niya binabayaran, it will remain in the area forever."

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Manny Pacquiao kaugnay ng pahayag na ito ni Mike Hanopol.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy rock legend Mike Hanopol (left) on legendary Pinoy boxer Manny Pacquiao (right): “Biro mo, barya lang, hindi niya mapakawalan, tapos sasabihin niya, ‘Yung pera na dumating sa akin, balewala ‘yan. Hindi ‘yan ang importante sa akin. Sa akin lang, matulungan ang lahat ng mga nangangailangan.’ Ano yung pinagsasasabi niya? Ayoko nang makialam sa mga ganyan, ayoko na."
PHOTO/S: Courtesy of Mike Hanopol
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results