PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mahal's urn arrives in Manila; public viewing starts September 3

Pamilya ni Mahal, nagpasalamat sa lahat ng nagmahal sa comedienne.
by Jojo Gabinete
Published Sep 2, 2021
Mabibigyan ng pagkakataon ang mga kaibigan at tagahanga ni Mahal na magbigay-pugay sa kanya sa huling pagkakataon dahil magkakaroon ng public viewing sa kanyang urn mula September 3 hanggang September 5.
PHOTO/S: Facebook / Tesorero Family

Nailuwas na sa Quezon City ang urn na naglalaman ng mga labi ni Mahal, Noeme Tesorero sa tunay na buhay, ngayong Huwebes ng gabi, September 2.

Pumanaw ang comedienne dahil sa kumplikasyon sa COVID-19, noong August 31, sa edad na 46.

"Unbearable pain" ang naramdaman ni Irene Tesorero, ang U.S.-based sister ni Mahal nang makita niya ang larawan ng urn na ipinadala sa kanya dahil hindi siya nakapagpaalam nang personal sa ate niya.

Magkakaroon ng pagkakataon ang mga tagahanga ni Mahal na magbigay sa kanya ng huling respeto at pagpupugay.

Mag-uumpisa bukas, September 3, hanggang sa Linggo, September 5, ang public viewing sa mga labi niya.

Magaganap ito sa Cosmopolitan Chapel ng Shrine of the Santuario De San Vicente de Paul, sa 221 Tandang Sora Avenue (sa pagitan ng Mindanao at Visayas Avenue), sa Quezon City.

Para sa mga nagbabalak makiramay sa mga naulila ni Mahal, ipinaalaala ng kanyang pamilya na mag-ingat mabuti. Mahigpit na ipatutupad ang safety protocols, tulad ng limitadong bilang ng mga taong papasukin sa loob ng chapel, pagsusuot ng mga face mask at face shield.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mabigyan ng magandang pamamaalam si Mahal ang priority ng pamilya ni Mahal.

Lubos ang kanilang pasasalamat sa lahat ng mga nagmahal, sumubaybay, at pinasaya ng 46-year-old comedienne, na nagsimula ang showbiz career sa Lunch Date noong labing-apat na taon pa lamang siya.

Ang Lunch Date ang noontime variety show ng GMA-7 na napanood mula June 9, 1986 hanggang March 19, 1993.

Naging bahagi si Mahal ng Lunch Date noong 1988 at mula noon, nagtuluy-tuloy na ang kanyang entertainment career.

Mensahe ni Irene at ng pamilya Tesorero sa lahat ng mga nagmamahal kay Mahal: “Salamat po sa pagsubaybay sa kapatid ko. Taos-puso at walang hanggang pasasalamat po sa inyong lahat dahil hanggang sa huli, hindi ninyo siya kinalimutan.”

RELATED STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mabibigyan ng pagkakataon ang mga kaibigan at tagahanga ni Mahal na magbigay-pugay sa kanya sa huling pagkakataon dahil magkakaroon ng public viewing sa kanyang urn mula September 3 hanggang September 5.
PHOTO/S: Facebook / Tesorero Family
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results