Watch Now

Pelikula ng Kapuso na si Joaquin Domagoso at ex-PBB housemate Andi Abaya, balak isali sa MMFF 2021

by Jojo Gabinete
Sep 29, 2021
Ang Kapuso actor na si Joaquin Domagoso at Pinoy Big Brother: Connect Second Big Placer na si Andi Abaya ay tampok sa mystery thriller film na Caught In The Act. Nais ng director na si Perry Escano na isali ito sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre.
PHOTO/S: @jdomagoso / @iamandiabaya Instagram

Plano ng direktor na si Perry Escaño at ng mga producer ng MPJ Entertainment Productions at Global Brilliance na isali ang Caught in the Act sa 47th Metro Manila Film Festival (MMFF) na magaganap sa December 2021.

Ang Caught in the Act ang youth-oriented mystery thriller launching movie nina Andi Abaya at Joaquin Domagoso.

Si Andi ay second big placer ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: Connect, habang si Joaquin ay Kapuso actor at anak ni Manila Mayor Isko Moreno. Pareho silang 19 years old.

Ang pelikula ay tungkol sa mga high school student na nakaimbento ng crime-stopping mobile app, na pinangalanan nilang "Caught in the Act," dahil puwedeng i-report ng mga tao ang mga nagaganap na krimen.

Ginanap ang digital media conference ng Caught in the Act kahapon, September 28.

Pero walang nagtanong kay Joaquin tungkol sa presidential bid ng kanyang ama sa halalan sa May 2022 dahil sa pakiusap nila ng manager ng binata na si Wowie Roxas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahihiya sina Joaquin at Wowie na pag-usapan si Isko dahil para sa pelikula at sa official soundtrack nito ang press conference, at hindi tungkol sa kandidatura ng ama ng 19-year-old actor.

ORIGINAL SOUND TRACK FOR CAUGHT IN THE ACT

Bilang direktor ng Caught in the Act, naniniwala si Perry na importante sa isang pelikula ang soundtrack para maipakita sa mga tao ang ibang nilalaman ng kanyang proyekto.

Ibinahagi niya ang pakikipag-collab niya sa Star Music para sa mga kantang bahagi ng pelikula.

"Hindi lang naka-focus sa film ang story. Mas maganda na sa bagong film na inihahain natin ngayon, meron tayong ipapakita na bagong recipe as filmmaker.

"Kailangan ng soundtrack ng isang film kasi lalo pa natin maipapakita sa tao kung ano pa yung nilalaman ng film natin.

"Yung mga hindi naipakita sa movie, maipapakita natin through songs.

"Napakahalaga sa isang film na meron tayong soundtrack para mas lalong ma-insipire ang audience na panoorin yung film."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Perry, "Dati naka-focus lang ako sa mga film ko. Right now, pinasok na rin namin ang music industry, ang pagpo-produce ng mga album.

"Thankful ako sa Star Music na nagkaroon kami ng collaboration."

JOAQUIN JOINS MUSIC VIDEO FOR ANDI'S SONG

Anim na mga bagong kanta ang mapapakinggan at mapapanood sa Caught in the Act.

Kasama rito ang “Nariyan Ka Lang Pala” at “Tanging Hiling” na inawit ni Andi.

Ang iba pang mga kanta: “Sabihin Ko Na Ba?” ni Bamboo B, “Huwag Muna Ngayon” ni Jhassy Busran, “Huli Ka” ni Alvin Barcelona, at “Ako Muna” na kinanta ni Aio Barcelona.

Sinabi ni Joaquin na hindi siya marunong kumanta kaya mapapanood lamang siya sa dalawang music video ng "Nariyan Ka Lang Pala" at "Tanging Hiling."

"Hindi talaga po ako kumakanta. Baka pumangit yung music video po kapag kumanta ako," pabirong sabi ng Kapuso young actor.

Interesado siyang matutong umawit, pero kailangan daw muna niya ng workshop sa pagkanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapanood sa YouTube Channel ng Star Music simula sa October 6 ang music video ng OST ng Caught in the Act.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Kapuso actor na si Joaquin Domagoso at Pinoy Big Brother: Connect Second Big Placer na si Andi Abaya ay tampok sa mystery thriller film na Caught In The Act. Nais ng director na si Perry Escano na isali ito sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre.
PHOTO/S: @jdomagoso / @iamandiabaya Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results