PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ER Ejercito confirms that he will run as Calamba mayor in 2022

ER Ejericto, hindi nagpapigil kahit may Sandiganbayan graft conviction.
by Jojo Gabinete
Published Oct 1, 2021
Dating Laguna Governor ER Ejercito, sinagot ang tanong ng netizen kung anong posisyon ang tatakbuhan niya sa Laguna. May naka-post na rin sa kanyang Facebook account na ad campaign para sa 2022 elections.
PHOTO/S: ER Ejercito Facebook

Hindi pa tapos ang political career ng aktor at former Laguna governor na si ER Ejercito dahil muli siyang sasabak sa mundo ng pulitika.

Kinumpirma ni ER ang plano niyang pagkandidato bilang alkalde ng Calamba City, Laguna sa eleksyon na gaganapin sa May 9, 2022.

Base ito sa sagot ni ER sa isang netizen na nagtanong kung anong posisyon ang tatakbuhan niya sa Laguna.

Gamit ang official Facebook account, sagot ni ER: "Mayor po ng Calamba."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-post na si ER sa kanyang official Facebook page ng ad para sa kampanya niya.

Ang kanyang tagline: "KAMPEON NG MASA AGILA NG LAGUNA."


Bago siya nahalal na gobernador ng lalawigan ng Laguna noong June 2010, siyam na taong (2001-2010) umupo si ER bilang alkalde ng Pagsanjan, Laguna.

Mula sa pagiging mayor ng Pagsanjan, kumandidato si ER na gobernador ng Laguna noong 2010 at nanalo siya sa eleksyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero pinababa siya ng Commission on Elections sa puwesto noong May 2014 dahil sa overspending charges sa kampanya niya noong 2013 mid-term elections.

SANDIGANBAYAN'S GUILTY VERDICT

May hiwalay ring kasong graft na kinaharap si ER.

Noong April 5, 2019, nahatulan si ER ng Sandiganbayan ng anim hanggang walong taong pagkakakulong dahil sa maanomalyang insurance deal na pinasukan niya nang manilbihan siyang mayor ng Pagsanjan noong 2008.

Lumabas sa imbestigasyon ng anti-graft court na in-award ni ER sa First Rapids Care Ventures ang kontrata ng insurance para sa proteksiyon sa mga turista at bangkero sa Laguna nang hindi dumaan sa public bidding.

Noong August 2019, pinagtibay ng Sandiganbayan ang desisyon nitong pagbawalan si ER na manungkulan sa public office.

Pero nagpiyansa at naghain noon ng apela ang kampo ni ER, at sinabing handa silang iakyat ang kaso sa Supreme Court kung kinakailangan.

Noong May 2019 elections ay kumandidato pa rin si ER bilang Laguna governor, pero nabigo siyang makuha ang puwesto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ER DETERMINED TO RUN AS MAYOR

Ngayon ay buo ang pasya ng aktor na tumakbong mayor ng Calamba City para sa 2022 elections.

Hindi lamang si ER ang miyembro ng pamilya niyang kakandidato.

Tatakbong bise gobernador ng Laguna ang kanyang anak na si Jerico Ejercito, na running mate ni Sol Aragones.

Si Sol ay former TV Patrol reporter na matatapos na ang termino bilang Laguna Third District representative kaya nangangarap na mahalal na gobernador ng kanilang lalawigan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dating Laguna Governor ER Ejercito, sinagot ang tanong ng netizen kung anong posisyon ang tatakbuhan niya sa Laguna. May naka-post na rin sa kanyang Facebook account na ad campaign para sa 2022 elections.
PHOTO/S: ER Ejercito Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results