PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ER Ejercito, wife Girlie Ejercito to run for mayor in Laguna

Mga anak nina ER at Girlie Ejercito, tatakbo rin sa iba't ibang posisyon sa Laguna.
by Jojo Gabinete
Published Oct 5, 2021
ER Ejercito and wife Girlie Ejercito (former actress Maita Sanchez) will bot run for mayor in 2022 elections; ER in Calamba and Girlie in Pagsanjan.
PHOTO/S: Facebook

Naging isyu sa halalan noong May 2019 ang magkasabay na pagkandidato ng mag-asawang Alan Peter Cayetano at Lani Cayetano.

Tumakbo si Allan Peter bilang House Representative ng Taguig-Pateros 1st District, samantalang kumandidatong House Representative ng District 2 ng Taguig City ang kanyang misis.

“Ang mahalaga, parehas na malinis ang pangalan,” sagot noon ni Allan Peter sa mga kumukuwestiyon kung hindi ba sila nakatira sa iisang tahanan dahil sa magkasabay na congressional bid nila ng asawa niya.

Parehong nahalal sa Kongreso sina Allan at Lani noong May 2019.

Sa May 2022 elections, mauulit ang ginawa nina Allan at Lani, pero sa ibang posisyon at sa katauhan naman ng actor-politician na si ER Ejercito at ng asawa nitong si Girlie Ejercito.

Dating aktres si Girlie, na Maita Sanchez ang ginamit na screen name noong aktibo pa siya sa pelikula.

Siyam na taong nanungkulan si Girlie bilang alkalde ng Pagsanjan, Laguna.

Nang matapos ang kanyang termino, nanalo siyang vice mayor ng kanilang bayan sa kandidatura niya noong May 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa eleksyon sa May 2022, muling kakandidato si Girlie na alkalde ng Pagsanjan.

Tatakbo namang mayor ng Calamba City, Laguna ang kanyang asawa na si ER.

May nakahandang sagot si ER sa mga nagtatanong kung hindi ba sila magkasama sa bahay ng misis niya.

Sa panayam kay ER ng mga miyembro ng media, sinabi nitong may bahay siya sa Calamba kaya lehitimo ang pagkandidato niya bilang alkalde ng nabanggit na siyudad.

Aniya, “Matagal na po ako dapat lalaban sa Calamba dahil may bahay ako sa Calamba."

Ayon kay ER, "almost two years, one year and seven months to be exact" na siyang naninirahan sa Calmba.

"I have my residence certificate, pati voter's registration…

"Marami ring problema sa Calamba. Kaibigan naman natin ang mga namumuno diyan, kaya lang, maraming lider na kinumbinsi ako na lumaban dahil panahon na."

May sagot din si ER tungkol sa bintang na political dynasty ng kanyang pamilya dahil tatakbo rin para sa iba’t ibang posisyon ang mga anak nila ni Girlie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Basta’t mahal ka ng tao at kuntento ang tao sa serbisyo mo, kahit sampu pa kayo sa angkan mo ang lumaban.

“Hindi na uso ang dynasty ngayon. Hindi isyu ang dynasty.”

Pinaboran ni Girlie ang mga pahayag ni ER dahil handa raw sila sa lahat ng laban, kahit tatakbo sila sa magkakahiwalay na lugar at puwesto ng kanyang asawa at mga anak.

“Handa naman kami sa lahat ng laban, kahit maghiwalay man kami kung saan silang lugar, kayang-kaya naman.

“Ako naman ay naging nine years mayor ng Pagsanjan, natapos na yung termino ko so bumaba po tayong vice mayor.

"Kasalukuyan ako’y vice mayor ng bayan ng Pagsanjan at ngayon naman po ay bumabalik muli bilang maging mayor ng bayan ng Pagsanjan.

“Anuman ang kahinatnan, lahat naman ay ipinagpapasa-Diyos namin ang laban namin,” saad ni Girlie.

Bago siya nahalal na gobernador ng lalawigan ng Laguna noong June 2010, siyam na taong (2001-2010) umupo si ER bilang alkalde ng Pagsanjan, Laguna.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mula sa pagiging mayor ng Pagsanjan, kumandidato siyang gobernador ng Laguna noong 2010 at nanalo siya sa eleksyon.

Pero pinababa siya ng Commission on Elections sa puwesto noong May 2014 dahil sa overspending charges sa kampanya niya noong 2013 mid-term elections.

Noong April 5, 2019, nahatulan si ER ng Sandiganbayan ng anim hanggang walong taong pagkakakulong dahil sa maanomalyang insurance deal na pinasukan niya nang manilbihan siyang mayor ng Pagsanjan noong 2008.

Lumabas sa imbestigasyon ng anti-graft court na in-award ni ER sa First Rapids Care Ventures ang kontrata ng insurance para sa proteksiyon sa mga turista at bangkero sa Laguna nang hindi dumaan sa public bidding.

Noong August 2019, pinagtibay ng Sandiganbayan ang desisyon nitong pagbawalan si ER na manungkulan sa public office.

Pero nagpiyansa at naghain noon ng apela ang kampo ni ER, at sinabing handa silang iakyat ang kaso sa Supreme Court kung kinakailangan.

Noong May 2019 elections ay kumandidato pa rin si ER bilang Laguna governor, pero nabigo siyang makuha ang puwesto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ER Ejercito and wife Girlie Ejercito (former actress Maita Sanchez) will bot run for mayor in 2022 elections; ER in Calamba and Girlie in Pagsanjan.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results