Inaasahan ang posibleng pagbisita ng mga tao sa mga mall sa darating na Sabado, October 16.
Simula October 16 hanggang October 31, ipatutupad na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang Alert Level 3 sa National Capital Region.
Ibig sabihin, papayagan nang magbukas sa tatlumpong porsyento (30%) ng kapasidad ang mga sinehan, pero ang mga tao na fully vaccinated o kumpleto na ang bakuna ng COVID-19 ang puwedeng papasukin.
Isang opisyal na pahayag ang inilabas ng mga opisyal at miyembro ng Cinema Exhibitors of the Philippines bilang pasasalamat sa IATF dahil sa pasya nitong buksan ang mga sinehan.
Anila, “The entire film industry is extremely grateful to the IATF for finally allowing us to reopen under Alert Level 3.
"Sincerest gratitude goes to those who guided and supported us - Go Negosyo Team for paving the way to be recognized as an industry appealing for its reopening, the MMDA for the much-needed guidance, the DTI for always assisting the film industry and the LGUs for their utmost support.
"It also pays to recognize the cinema workers and employees who stood by us on this journey."
KIM AND JERALD'S REACTION
Sina Kim Molina at Jerald Napoles ang dalawa sa maraming artista na natuwa sa nalalapit na pagbubukas ng mga sinehan dahil nangangahulugan itong magkakaroon muli ng trabaho ang cinema workers na lubhang naapektuhan ng coronavirus pandemic.
Pahayag ni Kim, "It’s good news for us. Nakakaligaya siya na kahit papaano, may babalikan tayo na isang bagay na nagagawa natin before.
"If magbubukas na yung mga sinehan, ako as a theater actress, I’m excited na kung ‘yon magbubukas, e, hopefully, pati yung mga musical, plays, magkaroon na rin ng pagkakataon na magbukas."
Para kay Jerald, isang karanasan ang panonood sa wide screen ng mga pelikula kaya pabor na pabor siya sa pasya ng IATF.
Pahayag niya, "Okay sa akin na buksan [ang mga sinehan]. Ngayon ang protocols natin, pumasok ka ng isang airconditioned restaurant, kakain ka, maghuhubad ka ng mask.
"Sa sinehan, puwede ring i-remove yung mask tapos limited numbers.
"Bukas nga ang mga gym, e. Ikutan nang ikutan yung mga tao.
"[Ang] sinehan ay sinehan. Isa siyang experience, not necessarily na ako ang panonoorin ninyo. Ako mismo, gusto kong manood ng sine."
Pero taliwas sa sinabi ni Jerald, hindi pa rin puwede magtanggal ng mask sa loob ng sinehan.
Ayon kay CEAP President Charmaine Bauzon, ipatutupad nila ang one seat apart, may suot na mask mula umpisa hanggang katapusan ng pelikula ang audience.
Ipagbabawal din muna sa mga manonood ang pagdadala ng pagkain sa loob ng sinehan.
POSSIBLE MOVIE SCREENING FOR KIMJE MOVIE?
Sina Kim at Jerald ang nangunguna sa mga artistang makikinabang sa pagbubukas ng mga sinehan dahil nakatakda sa October 29 ang streaming sa Vivamax ng Sa Haba ng Gabi, ang horror-comedy movie na pinagbibidahan nila.
Kung hindi na tataas ang mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at mananatiling bukas ang mga sinehan simula sa October 16 hanggang October 31, malaki ang tsansang mapanood na rin sa big screen ang bagong pelikula nina Jerald at Kim.