Pinatunayan ni Louise delos Reyes na walang pinipiling edad ang pag-aaral.
Sa kabila ng mga matitinding pagsubok na hatid ng coronavirus pandemic, nagdesisyon siyang muling mag-aral.
Cum laude graduate si Louise ng Bachelor of Science in Foreign Service noong 2018. Makalipas ang tatlong taon, nag-aral uli siya para madagdagan ang kanyang mga kaalaman.
“I started going back to school which is so nice! Dun ako talaga mas nagiging busy ngayon. I will post soon kapag puwede nang i-reveal yung projects ko!” masayang balita ni Louise.
Sa kabilang banda, may nararamdamang lungkot si Louise dahil magwawakas ngayong Sabado ng gabi, October 30, ang Philippine adaptation ng Encounter na napapanood sa TV5 at pinagbibidahan nila nina Cristine Reyes, Ivan Padilla, at Diego Loyzaga.
Naging malapit si Louise sa lahat ng mga co-star niya sa Encounter dahil matagal silang nagkasama sa lock-in taping nila, at isa ito sa mga hindi niya makalilimutan na karanasan.
Aniya, “I will miss the most yung bonding namin sa hotel kapag wala kaming work or kapag napa-pack-up ako nang maaga from work.
“Magyayaya na sina Ate Isay [Alvarez] na mag-Zumba or tumambay sa pool to exercise or to eat!
“Since we're on a lock-in shoot, kami-kami lang talaga ang nagbo-bonding over coffee, food, and chikahan.
“Kami nina Josef Elizalde and Benj Manalo ang parang mga bunso sa cast dahil kami ang makukulit na trio.
“Iba rin talaga ang naging bonding naming tatlo during our lock-in taping.”
ON WORKING WITH CRISTINE
Itinuturing ni Louise na malaking oportunidad na nakatrabaho niya si Cristine Reyes dahil sa magagandang ugali nitong kanyang natuklasan.
“I was very blessed na nakasama at naka-bonding ko si Cristine during our taping. Marami akong discoveries tungkol sa kanya and marami kaming bonding moments kapag wala kami sa work.
“There's this one time that she came home from taping tapos nagulat ako na may kumakatok sa room ko. Ang lakas, akala ko emergency, yun pala, siya lang.
“Super kalog ni Cristine pero kapag aktingan na, napakaseryoso and dedicated niya.”
May dalawang pelikulang gagawin si Louise pero hindi pa siya handang magkuwento hanggang hindi nagsisimula ang shooting.
Patindi nang patindi ang mga sexy scene sa mga pelikula na mapangahas na ginagawa nina Kylie Verzosa, Cindy Miranda, AJ Raval, at Sunshine Guimary.
Pero hindi nakikita ni Louise ang sarili na nagpapaseksi dahil mas gusto niya ang mga dramatic role.
“Hindi kasi ako nagli-lean sa ganoong side. As you all know, mas drama talaga ako and, in a way, maingat pa rin talaga ako, especially sa roles na tinatanggap ko.”