AJ Raval, balik-social media matapos lamang ng halos dalawang linggo

by Jojo Gabinete
Nov 2, 2021
Hindi pa umabot ng dalawang linggo ang social media detox ng sexy star na si AJ Raval dahil kahapon, November 1, ay nag-post siyang muli sa kanyang Instagram account. Ipinakita ni AJ ang kanyang bagong hairstyle para sa pelikula nila ni Sean de Guzman (kanan).
PHOTO/S: @ajravsss on Instagram / Vivamax

Hindi tumagal ng dalawang linggo ang pamamahinga ni AJ Raval sa social media matapos masangkot sa ugly separation ng kanyang rumored boyfriend na si Aljur Abrenica at ng estranged wife nitong si Kylie Padilla.

Sa pagbabalik niya sa social media, ipinakita ni AJ sa mga tagasubaybay nito ang larawan ng kanyang bagong hairstyle.

Ang bagong hairstyle ni AJ ay para sa kanyang bagong pelikula na muling pagtatambalan nila ni Sean de Guzman, ang leading man niya sa Nerisa at Taya.

Continue reading below ↓

Hugas ang pamagat ng action-sexy movie nina AJ at Sean. Nagsimula ang shooting nito noong October 29, at plano itong gawing New Year’s presentation ng Vivamax.

Sinabi ng isang production insider na kahit inihabilin ni Aljur si AJ kay Sean, may dapat ikabahala si Aljur dahil mas matitindi ang mga love scene sa Hugas kung ikukumpara sa Taya, isa sa mga highest-grossing movie ng Vivamax na pinagbibidahan ng dalawa at mula sa direksiyon ni Roman Perez Jr.

Si Roman din ang direktor ng Hugas, na ang titulo ay mula sa kasabihang hugas-kamay, hugas-kasalanan.


Continue reading below ↓

Direk Roman Perez Jr. and Sean de Guzman

Hindi nalalayao ang plot ng Hugas sa Hindi Pahuhuli ng Buhay, ang blockbuster film nina Robin Padilla at Dawn Zulueta noong August 1989.

Matatandaang bago inamin ni AJ na nagkakamabutihan sila ni Aljur, si Sean ang kanyang “apple of the eye.”

Hindi nahihiya ang sexy star na tuksuhin at ipakita sa entertainment press ang sobrang pagkagiliw niya sa 21-year-old actor.

Ayon sa production insider, “Sobrang na-miss nina AJ at Sean ang isa’t isa nang muli silang magkita sa set ng Hugas.

"Para silang mga bata na naghaharutan pa rin tulad ng mga ginagawa nila sa set noon ng Taya.

“Mainit na mainit ang mga love scene nila at parang walang karelasyon si AJ kaya hindi imposibleng mabawi ni Sean si AJ mula kay Aljur.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pa umabot ng dalawang linggo ang social media detox ng sexy star na si AJ Raval dahil kahapon, November 1, ay nag-post siyang muli sa kanyang Instagram account. Ipinakita ni AJ ang kanyang bagong hairstyle para sa pelikula nila ni Sean de Guzman (kanan).
PHOTO/S: @ajravsss on Instagram / Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results