Miss U.S. International 2021 Corrin Stellakis, upgraded na ang makeup kumpara noong Miss Earth 2016

by Jojo Gabinete
Nov 4, 2021
beauty queen
Winner ang suwabeng comment ni Miss U.S. International 2021 Corrin Stellakis sa isang pageant fan na bumatikos sa kanyang makeup noong siya ay sumali sa Miss Earth 2016.

Sunud-sunod ang pagdaraos ng mga international beauty pageant kaya maituturing na panahon ng beauty contests ang last quarter ng 2021.

Nananalo at nagkakaroon ng puwesto sa mga international beauty pageant ang mga Pilipina, pero ang magiging resulta ng 70th Miss Universe na magaganap sa December 12, 2021 ang pinakahihintay ng lahat.

Ang coronavirus pandemic ang dahilan kaya kanselado ang 60th edition ng Miss International, ang annual international beauty pageant ng Japan.

Apektado rin ng pandemya ang 21st edition ng Miss Earth, pero matutuloy sa November 21, 2021 ang virtual coronation ng beauty contest.

CORRIN STELLAKIS'S MISS EARTH STINT

Ang nalalapit na koronasyon ng Miss Earth 2021 ang dahilan kaya naungkat ang "one for the books" journey ni Miss Earth USA 2016 Corrin Stellakis.

Si Stellakis ang representative ng Amerika sa 16th edition ng Miss Earth na ginanap sa Mall of Asia Arena, Pasay City, noong October 29, 2016.

Nakalaban niya sa nabanggit na contest sina Imelda Schweighart ng Pilipinas at si Cloie Syquia na kumatawan sa Sweden. Si Cloe ay anak nina Gabby Concepcion at Jenny Syquia.

Continue reading below ↓

Nabigo si Stellakis na manalo dahil si Katherine Espin ng Ecuador ang nagwagi.

Pero mapalad pa rin ang official delegate ng USA dahil nagbitiw sa puwesto si Miss Earth-Fire Bruna Zanardo ng Brazil kaya siya ang ipinalit.

Dahil malapit na ang virtual coronation ng 21st Miss Earth, naglabas ng throwback post ang Miss Earth Fanpage tungkol sa 2016 social media post ni Stellakis na 19 years old noon.

Isang fan ni Stellakis na may username na @valleyoflily ang nagkomento noon sa larawan ni Stellakis sa old social media account nito.

"Hi at miss USA@corrinstellakis we actually rooting for you but your make up artist ruin your chance.

"When your name wasn’t called for top 4, we are very furious that time, we want to slap the make up artist haha," komento ni @valleyoflily.

Wala palang make-up artist noon si Stellakis.

Sagot ni Stellakis, "I did my own makeup, thank you."

Continue reading below ↓

Nainsulto man si Stellakis, vindicated siya dahil siya ang ipinalit ng Miss Earth Organization kay Zanardo, ang nag-resign na Miss Earth-Fire 2016.

MISS U.S. INTERNATIONAL

Hindi natapos sa Miss Earth 2016 ang beauty pageant journey ni Stellakis.

Sa edad na 24, siya ang kinoronahang Miss U.S. International noong June 25, 2021.

sexy photo

Continue reading below ↓

Si Stellakis ang magiging kinatawan ng Amerika sa Miss International 2022 at siya ang isa sa mga makakalaban ni Bb. Pilipinas-International 2021 Hannah Arnold.

beauty queen

Si Maritsa Platis ang Miss U.S.International 2020-2021 pero hindi na siya puwedeng lumaban dahil parehong nakansela ang Miss International noong nakaraang taon at ngayong 2021.

Continue reading below ↓

beauty queen

Sa muling pagsabak ni Stellakis sa international beauty pageant sa susunod na taon, wala nang puwedeng umalipusta sa kanyang make-up dahil bukod sa nadagdagan na self-confidence, marunong na siyang magpaganda sa sarili.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Winner ang suwabeng comment ni Miss U.S. International 2021 Corrin Stellakis sa isang pageant fan na bumatikos sa kanyang makeup noong siya ay sumali sa Miss Earth 2016.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results