LOL creative producer Bobet Vidanes, choreographer Mariposa tatakbong konsehal sa 2022 elections

by Jojo Gabinete
Nov 5, 2021
bobet vidanes mariposa 2022 elections
Parehong tatakbong konsehal sa 2022 elections ang Lunch Out Loud creative producer na si Bobet Vidanes (kaliwa) at ang choreographer ng TV5 noontime show na si Mariposa (Rovie Cabigquez); si Bobet sa Pililla, Rizal, at si Mariposa sa Meycauayan, Bulacan.
PHOTO/S: Facebook

Malalaman sa May 9, 2022 kung nakatulong kay former It’s Showtime director Bobet Vidanes ang madalas na paglabas niya sa kanyang dating programa sa ABS-CBN.

Kandidato kasi siyang konsehal sa Pililla, Rizal, at kapartido ni incumbent Mayor Dan Masinsin.

Naging kontrobersiyal ang pag-alis ni Bobet sa It’s Showtime noong November 2020 at ang paglipat niya bilang creative producer sa Lunch Out Loud, ang noontime show ng TV5 at BrightLight Productions na kalaban ng programang kanyang iniwanan.

Noong October 11, 2021, nagpainterbyu si Bobet sa entertainment press para sa unang anibersaryo ng Lunch Out Loud.

Dito niya sinabi na walang kinalaman sa pera ang kanyang pag-alis sa It’s Showtime.

Ayon kay Bobet, “toxic environment” o nakakalason ang kapaligiran sa noontime show na kanyang pinanggalingan dahil sa kagustuhan ng lahat na maging lider.

Nagsimula noong October 1 at natapos noong October 8 ang paghahain ng certificate of candidacy ng mga kakandidato para sa eleksyon sa May 2022.

Continue reading below ↓

Pero sa panayam sa kanya ng entertainment press noong October 11, walang binanggit si Bobet tungkol sa kanyang council bid sa Pililla, Rizal.

Nakilala si Bobet sa pagkakaroon ng mababang luha, at huli siyang napanood na umiiyak sa Lunch Out Loud nang bumati sa kanya ng maligayang kaarawan noong October 11 ang mga host ng programa.

Para sa mga nakakakilala nang personal kay Bobet, hindi malabo ang posibilidad na mapaiyak siya sa panahon ng kanyang pangangampanya dahil nga sa pagkakaroon niya ng mababang luha.

MARIPOSA ALSO RUNNING FOR COUNCILOR IN MEYCAUAYAN, BULACAN

Hindi lamang si Bobet ang papasok sa mundo ng pulitika mula sa Lunch Out Loud family.

Kakandidato ring konsehal si Mariposa, ang dancer na pinasikat noon ni Willie Revillame sa defunct noontime show na Wowowee at choreographer na ngayon ng pangtanghaling programa ng TV5.

Rovielyn Cabigquez ang tunay na pangalan ni Mariposa, na independent candidate bilang konsehal sa ika-apat na distrito ng Meycauyan City, Bulacan.

Continue reading below ↓

Si Willie ang nagbigay kay Cabigquez ng screen name na Mariposa kaya malaki ang pasasalamat at utang na loob niya sa host ng Wowowin.

Mula nang maghain si Mariposa ng kandidatura, nagmistulang obituary section ang kanyang Facebook page dahil nakikiramay siya sa lahat ng mga naulila ng mga namatay sa District 4 ng Meycauyan City.

Pero kung may kamatayan, tiyak na may pagsilang, kaya napupuno rin ang Facebook page ni Mariposa ng mga larawan ng kanyang mga kababayang nagdiriwang ng kaarawan at pinadadalhan niya ng mga cake—bata at matatanda—na isang banayad na paraan ng pagpaparamdam at pagpapaalala sa mga residente ng Meycauyan na huwag siyang kalimutan sa araw ng halalan.

Ang mga kandidatura nina Bobet at Mariposa para sa lokal na posisyon sa eleksyon sa May 2022 ang pangunahing dahilan kaya hindi muna sila maaaring lumabas sa Lunch Out Loud kapag nagsimula na ang panahon ng kampanya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parehong tatakbong konsehal sa 2022 elections ang Lunch Out Loud creative producer na si Bobet Vidanes (kaliwa) at ang choreographer ng TV5 noontime show na si Mariposa (Rovie Cabigquez); si Bobet sa Pililla, Rizal, at si Mariposa sa Meycauayan, Bulacan.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results