Sara Duterte at Bongbong Marcos, pamalit sa mga di kilalang kandidato ng Lakas-CMD?

by Jojo Gabinete
Nov 10, 2021
sara bongbong tandem
DUTERTE-MARCOS OR MARCOS-DUTERTE? Will Mayor Sara Duterte and former Senator Bongbong Marcos replace unknown candidates of Lakas-CMD in the 2022 elections?
PHOTO/S: Mayor Inday Sara Duterte Facebook

Hindi natapos sa withdrawal ng certificate of candidacy ni Mayor Sara Duterte ang “dramarama” na nangyari sa Davao City kahapon, November 9, 2021.

Nasundan pa ito ng pag-iyak ng alkalde nang magpaalam siya sa mga empleyado ng City Hall.

Nakunan ng video si Mayor Sara na napaluha dahil sa mahigpit na pagyakap sa kanya ng isang female employee, na humahagulgol ng iyak dahil nalungkot sa desisyon ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na umatras sa pagtakbo bilang alkalde ng Davao City sa 2022 elections.

Maliban sa kanyang Facebook post na “Ngayong hapon wini-withdraw ko ang akong kandidatura sa pagka-Mayor ng Davao City. Si VM Baste ang papalit sa akin. Si Atty. Melchor Quitain ang nominado namin sa pagka-Bise Alkalde. Ito lamang po muna. Maraming salamat po," walang ibang paliwanag na ibinigay si Sara tungkol sa life-changing decision niya.

Continue reading below ↓

Pero lalong lumakas ang kutob na kakandidato si Sara para sa mas mataas na posisyon.

Umalingawngaw ang malakas na haka-hakang tatakbo si Sara na bise presidente ng former presidential aspirant na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at sila ang mga ipapalit kina Anna Capella Velasco at Lyle Fernando Uy, ang mga hindi kilalang kandidato ng Lakas-CMD, ang political party ni former Philippine President Gloria Macapagal-Arroyo.

Naghain ng certificate of candidacy si Velasco sa pagkapangulo samantalang si Uy ang kanyang pangalawang pangulo.

Pero inamin ng Lakas-CMD na mga placeholder lamang ang dalawa habang hindi pa nakakapili ng mga opisyal na standard-bearer hanggang November 15, 2021 ang partido.

Ang pinsan ni Marcos Jr. na si Leyte District 1 District Representative Martin Romualdez ang kasalukuyang presidente ng Lakas-CMD, at si Senator Bong Revilla Jr. ang chairperson.

May mga espekulasyong posibleng sina Marcos at Duterte ang ipapalit kina Velasco at Uy bilang mga kandidato ng Lakas-CMD para sa posisyon ng presidente at bise presidente.

Continue reading below ↓

Ayon naman kay Albay Representative Joey Salcedo, posibleng tumakbong presidente si Sara sa 2022 elections.

“Kasi may presumption kami that she’s running for president… there is no VP option for her. And picking a VP for her is not a problem,” sabi ni Salceda sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News Channel ngayong Miyerkules ng umaga, November 10.

Pero malalaman ng publiko sa darating na Lunes, November 15, ang tumpak na kasagutan sa kumakapal na plot ng kuwento ng nagaganap na dramarama.

Hati ang reaksiyon ng mga tao sa aksyong ginawa ni Sara kahapon.

Natuwa nang husto ang kanyang mga supporter na umaasang kakandidato siyang pangulo o pangalawang pangulo ng bansa.

Nagpista naman sa pagbatikos ang mga kritiko ng Davao City mayor, na tinawag na "best actress" at kinuwestiyon ang kanyang kredibilidad.

Hindi diumano napanindigan ng presidential daughter ang Facebook post nito noong October 6, 2021:

“Masakit din para sa aking damdamin na sana’y magpaubaya sa mga kaibigan na hindi ko maibigay ang gusto ninyo.

Continue reading below ↓

“Gusto ko po sana tapusin muna ang huli kong termino sa Mayor bago ako manungkulan sa ibang position.

“Madami sa inyo ang nasasaktan, sumama ang loob at nawalan ng pag-asa pero puwede pa rin tayo magtulungan para sa ating bayan, di kailangan ng position, di kailangan ng tayo ay Pangulo upang makatulong. Gawin natin ang pagtulong sa kapwa sa araw-araw natin na pamumuhay.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DUTERTE-MARCOS OR MARCOS-DUTERTE? Will Mayor Sara Duterte and former Senator Bongbong Marcos replace unknown candidates of Lakas-CMD in the 2022 elections?
PHOTO/S: Mayor Inday Sara Duterte Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results