Derek Ramsay at Senator Bong Revilla, aktibo sa social media ilang sandali bago ang kasalan

by Jojo Gabinete
Nov 11, 2021
derek bong wedding look
Ilang sandali bago maganap ang importanteng okasyon sa kani-kanilang buhay ay nagawa pang mag-update sa social media nina Derek Ramsay (kaliwa) at Senator Bong Revilla.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Magkasabay na nagaganap ang pag-iisang dibdib nina Derek Ramsay at Ellen Adarna at ang pagpapakasal ng anak na babae nina Senator Bong Revilla Jr. at Bacoor City Mayor Lani Mercado na si Gianna Revilla kay Jed Patricio ngayong Huwebes ng hapon, November 11.

Ginaganap ang Derek-Ellen wedding sa Bagac Bataan; habang sa Silang, Cavite naman ang kasal nina Gianna at Jed.

Dahil busy ang mga bride-to-be, sina Derek at Bong ang nag-abalang idokumento sa social media ang mga kaganapan ilang oras at minuto bago maganap ang mga importanteng pangyayari sa kanilang buhay.

Nagawa pa ni Derek na i-post sa kanyang Instagram at official Facebook page ang mga larawan nila ng mga kamag-anak at kaibigan niya, ilang minuto bago sila ikasal ni Ellen.

Continue reading below ↓

Samantala, gamay na gamay na ni Bong ang vlogging na madalas niyang ginagawa mula nang maging aktibo siya sa social media kaya naging madali para sa kanyang kunan ng video ang mga bisita sa kasal ng anak nila ni Lani.

Mga prominenteng tao mula sa mundo ng pulitika ang mga imbitado sa Patricio-Revilla wedding na tinutukan ng mga news reporter.

Sina Loren Legarda, Mikey Arroyo, Imee Marcos, Bongbong Marcos; ang mga senador na sina Baro ela Rosa, Miguel Zubiri, Pia Cayetano; at ang kontrobersiyal ngayong si Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang ilan sa mga kilalang personalidad na bisita sa kasal ng anak nina Lani at Bong.

Continue reading below ↓

Kontrobersiyal si Mayor Sara dahil hanggang ngayon, hindi pa niya sinasabi ang kanyang inaasam na posisyon para sa halalan sa May 9, 2022.

Sa panayam kay Senator Dela Rosa, sinabi nitong handa siyang iatras ang kanyang kandidatura sa pagka-pangulo kapag nagdesisyon si Mayor Sara na tumakbo bilang presidente ng bansa.

Sinadya ng mga news reporter mula sa iba’t ibang media outlet ang nagaganap na kasalan sa Silang, Cavite dahil sa pagbabakasakaling magsalita si Mayor Sara tungkol sa aksyon at eksenang gagawin nito sa darating na Lunes, November 15— ang huling araw ng paghahain ng kandidatura ng mga substitute candidate ng iba’t ibang political parties.

Dumalo rin sa Patricio-Revilla wedding ang mga kaibigan ni Bong na sina Jinggoy Estrada at Phillip Salvador.

Nagbiro si Phillip na hinihintay nila ang pag-iyak ng father of the bride dahil tiyak na iiyak si Bong.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang sandali bago maganap ang importanteng okasyon sa kani-kanilang buhay ay nagawa pang mag-update sa social media nina Derek Ramsay (kaliwa) at Senator Bong Revilla.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results