Panunumpa ni Mayor Sara Duterte sa Lakas-CMD, isinabay sa kasal ng anak ni Senator Bong Revilla

by Jojo Gabinete
Nov 11, 2021
sara duterte oathtaking
Kasabay ng kasal ng anak ni Senator Bong Revilla (kanan), nanumpa si Davao City Mayor Sara Duterte (gitna) bilang miyembro ng partidong LAKAS-CMD. Kasama ng dalawa sa larawan ang national president ng Lakas-CMD na si Representative Martin Romualdez.
PHOTO/S: Ramon Revilla Jr. Facebook

Malaking karangalan para kay Senator Bong Revilla Jr. na naganap ang panunumpa ni Davao City Mayor Sara Duterte bilang bagong miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) political party sa farm na pag-aari ng kanyang pumanaw na ama, si former Senator Ramon Revilla Sr., sa Silang, Cavite.

Nanumpa si Mayor Sara bilang kasapi ng Lakas-CMD kay Bong, bilang chairperson, at House Majority Leader Martin Romualdez, bilang national president ng Lakas-CMD.

Ang pagsanib ni Mayor Sara sa Lakas-CMD ang lalong nagpatibay sa malakas na hinalang isa siya sa substitute candidate ng sinuman kina Anna Capella Velasco at Lyle Fernando Uy, ang mga "the who" o hindi kilalang presidential at vice-presidential candidates, respectively, na mga placeholder lamang ng partido habang hindi pa napipili ang mga opisyal na standard bearer.

Ang panunumpa ni Mayor Sara ang isa sa mga highlight sa kasal nina Jed Patricio at Gianna Revilla na naganap ngayong Huwebes, November 11.

Continue reading below ↓

Si Gianna ay anak nina Bong at Bacoor City Mayor Lani Mercado.

Natutong mag-vlog si Bong dahil sa kagustuhan nitong maibahagi sa kanyang followers ang mga kaganapan sa kanyang personal na buhay, kabilang na ang panunumpa ni Mayor Sara bilang miyembro ng Lakas-CMD sa venue ng kasal ng anak nila ni Lani.

Kuwento ni Bong, “Marami pong nangyari sa araw na 'to. Siguro naman, nabalitaan niyo na sa news, si Mayor Inday Sara ay sumapi na po sa Lakas-CMD, and isang karangalan para po sa aking partido na makasapi natin siya.

"Welcome Mayor Inday at umasa ka na susuporta kami lahat sa 'yo."

Dagdag ng actor-vlogger, “Marami po ang nagtatanong kung ano ang tatakbuhin ni Mayor Inday Sara, mag-antay lang po tayo hanggang November 15. Wala pa po kaming napag-uusapan tungkol diyan so wait and see po tayo.

“In fact, nagkagulatan kanina, so siyempre bilang host po dito, karangalan ko po na dito sa aking lugar na manumpa si Mayor Inday Sara.”

Continue reading below ↓

May mga naniniwalang bago sumapit ang November 15, Lunes, posibleng umanib sa Lakas-CMD ang presidential contender na si Bongbong Marcos dahil sa maugong na balitang magsasanib-puwersa sila ng alkalde ng Davao City.

Ito ay sa kabila ng paulit-ulit na nagsalita noon si Mayor Sara na hindi siya tatakbong pangulo ng bansa sa halalan sa May 9, 2022.

Ang pagsapi ni Mayor Sara sa Lakas-CMD ang dahilan kaya naalaala ng publiko ang kanyang pahayag na inilathala ng GMA News noong June 4, 2021.

Aniya, "I do not intend to join any national political party. I will rise and fall with the Hugpong ng Pagbabago [HNP] of Davao Region and Hugpong sa Tawong Lungsod [HTL] of Davao City."

Hindi napanindigan ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang sinabi noong June 2021.

Sa pamamagitan ng sulat-kamay na resignation letter na ipinadala niya sa mga kapartido, nagbitiw si Mayor Sara bilang miyembro ng Hugpong ng Pagbabago at makalipas ang ilang oras, sumapi na sa Lakas-CMD.

Continue reading below ↓

RELATED STORY

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasabay ng kasal ng anak ni Senator Bong Revilla (kanan), nanumpa si Davao City Mayor Sara Duterte (gitna) bilang miyembro ng partidong LAKAS-CMD. Kasama ng dalawa sa larawan ang national president ng Lakas-CMD na si Representative Martin Romualdez.
PHOTO/S: Ramon Revilla Jr. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results