President Rodrigo Duterte, pagkasenador na ang tatakbuhin sa 2022 elections

by Jojo Gabinete
Nov 15, 2021
duterte briefing
Si President Rodrigo Duterte ang substitute candidate ng senatorial aspirant na isang Mona Lisa Visorde, na naghain ng withdrawal of candidacy bilang senatorial candidate ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan o PDDS.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Ngayong alas-singko ng hapon, November 15, ang huling araw ng pag-atras, pagpapalit ng hinahangad na posisyon, at paghahain ng certificate of candidacy sa Commission on Elections ng mga kandidato sa 2022 elections.

Pansamantalang magwawakas ngayon ang "Dramarama sa Hapon" ng mga kandidatong tila sinasadyang maghatid ng kalituhan sa publiko dahil sa kanilang mga political drama na hinigitan ang mga Pinoy teleserye na hindi na kapani-paniwala ang mga plot twist.

Hindi na itutuloy ni President Rodrigo Duterte ang plano nitong tumakbo bilang bise presidente ng Pilipinas sa susunod na taon.

Hindi na mangyayari ang inaabangan at pinananabikang pagtutunggali nila ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na kakandidatong pangalawang pangulo ng bansa.

Instead, tatakbo si Pangulong Duterte na senador.

duterte coc

Continue reading below ↓

Siya ang substitute candidate ng senatorial aspirant na isang Mona Lisa Visorde na “the who” o hindi kilala ng mga Pilipino. Naghain ng withdrawal of candidacy si Visorde na kapalit ni Duterte bilang senatorial candidate ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan o PDDS.

Malaki ang tsansa ni Duterte na mahalal na senador sa eleksyon sa May 2022 dahil sa hukbo ng mga tagasuporta niya na ang bansag ay DDS o Die-hard Duterte Supporters. Kapag nanalo siya, higit na malaki ang pagkakataon niya para mailuklok bilang Senate President.

Sa Philippine government, ang Pangulo, Pangalawang Pangulo, Senate President, at Speaker of the House of Representatives ang linya ng pagkakasunud-sunod o line of succession.

Ang senatorial bid ni Duterte para sa 2022 ang malinaw at matibay na pruwebang, tulad ng kanyang paulit-ulit na sinasabi noon na magre-resign na siya bilang pangulo ng bansa, hindi rin tutuparin ng pangulo ang planong talikuran ang mundo ng pulitika.

Continue reading below ↓

Sa kanyang talumpati sa Sofitel Harbor Garden Tent, sa Pasay City, noong October 2, 2021, sinabi ni Duterte na magreretiro na siya sa pulitika.

Aniya, “Now, I'd like to address myself to the entire nation. The universal sentiment of the Filipino has been reflected in the different surveys and in many forums, caucuses, and meetings to discuss what should I do in my life. The overwhelming sentiment of the Filipino is that I am not qualified and it would be a violation of the Constitution to circumvent the law, the spirit of the Constitution.

“And so, in obedience to the will of the people, who after all placed me in the presidency many years ago, I now say, sa mga kababayan ko, sundin ko ang gusto ninyo (my countrymen, I will heed your advice). And today, I announce my retirement from politics. Salamat po sa inyong lahat.”

Pero gaya ng inaasahan ng marami, “it’s a prank” ang deklarasyon ni Duterte noong nakaraang buwan.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si President Rodrigo Duterte ang substitute candidate ng senatorial aspirant na isang Mona Lisa Visorde, na naghain ng withdrawal of candidacy bilang senatorial candidate ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan o PDDS.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results