Bank security guard, isinauli ang malaking perang nawala ni Jerald Napoles

by Jojo Gabinete
Nov 15, 2021
jerald napoles bank security guard
Jerald Napoles on security guard Roland Gomez: "May mga tao talaga na tapat at maganda ang kalooban. Isandaan ulit na pasasasalamat at pagpapala ang hiling ko para sa ’yo Kuya Roland."
PHOTO/S: Courtesy of Jerald Napoles

Sa panahon ng kaliwa’t kanang drama ng mga public official na pinaglalaruan ang sensibilidad ng publiko, isang welcome news ang maituturing na breath-of-fresh-air experience ni Jerald Napoles.

Lubos ang pasasalamat ni Jerald sa bank security guard na si Roland Gomez ng BPI Kamuning branch, Quezon City, dahil ito ang nakapulot sa malaking halaga ng pera na idedeposito ng aktor sa bangko nitong Lunes ng hapon, Nobyembre 15.

Hindi napansin ng aktor na nalaglag pala niya ang kanyang pera.

Matindi ang tensiyong naramdaman ni Jerald nang mapunang nabawasan ang pera na kanyang idedeposito. Nakahinga lamang siya nang maluwag dahil sa kabutihan na ginawa ni Gomez.

Kuwento ni Jerald (published as is): "Nalaglag ang ide-deposit ko na malaking halaga sa labas mismo ng bank.

"Hindi ko napansin habang nakapila na na-surrender na pala ang pera dahil hindi rin nila alam na ako ang nalaglagan.

"Pag-dating ko sa teller, kulang ang ide-deposit ko. Sumakit ang ulo ko sa panic.

Continue reading below ↓

"Buti na lang at nagtanong ako sa guards at nag karoon ng masusing verification process sa management ng branch, gamit ang ilang footage sa CCTV."

Muntik magbigay ng "mini heart attack" kay Jerald ang nakakatensiyong insidente.

CCTV FOOTAGE

Sa tulong ng CCTV, napatunayan ni Jerald na siya ang may-ari ng pera na napulot ni Gomez, na agad na ibinigay nito sa branch manager na si Mercy Jonsay.

"May mga tao talaga na tapat at maganda ang kalooban.

"Isandaan ulit na pasasasalamat at pagpapala ang hiling ko para sa ’yo Kuya Roland.

"Thank you din Ms. Mercy at maganda ang sistema n’yo ng pag-verify," pasasalamat ni Jerald sa mga tauhan ng bangko na kanyang pinuntahan.

Jerald Napoles with bank employee

Continue reading below ↓

KIM MOLINA THANKS DO-GOODER SECURITY GUARD

Hindi lamang si Jerald ang nagpasalamat kay Gomez.

Ang girlfriend ni Jerald na si Kim Molina ay saludo sa kabutihan at katapatang ipinamalas ng security guard.

"Grabe po itong pangyayari ngayon.Thank you Lord for honest people tulad ni Kuya Roland na nakapulot at nagsauli sa pera namin ni Jerald.

"Salamat sa iyo, Kuya Roland! May God bless and keep you safe all the time.

"Thank you Lord. Thank you for guiding us everyday," saad ni Kim.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerald Napoles on security guard Roland Gomez: "May mga tao talaga na tapat at maganda ang kalooban. Isandaan ulit na pasasasalamat at pagpapala ang hiling ko para sa ’yo Kuya Roland."
PHOTO/S: Courtesy of Jerald Napoles
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results