Mang Jose ni Janno Gibbs, puwedeng pantapat sa ibang Pinoy superheroes

by Jojo Gabinete
Nov 17, 2021
janno gibbs mang juan
Janno Gibbs on his Mang Jose superhero character: “Ang wala sila, sa utility belt ko, merong lumalabas na resibo. Yun ang wala sila. I hope [pumantay] sa ibang mga Pinoy superhero si Mang Jose. I can’t say that for myself. It’s up to the audience. Pero kaya niyang lumevel sa ibang mga superhero. Pinoy na Pinoy siya at malakas din ang power niya."
PHOTO/S: @jannogibbs on Instagram

Hindi nagbibiro si Janno Gibbs nang sabihin nitong “King Ina” ang pangalan ng karakter ni Manilyn Reynes sa Mang Jose, ang bagong Pinoy superhero na ginagampanan ng singer-comedian.

"It’s the call of the producers and writers, for comic effect," paliwanag ni Janno tungkol sa pangalan ng karakter ni Manilyn na may ibang kahulugan para sa mga malisyosong Pilipino.

Bilang King Ina, si Manilyn ang main contravida ni Janno sa Mang Jose.

“It doesn’t really bother me ‘coz ang ganda ng role niya,” sabi ni Janno.

May kinalaman si Janno sa partisipasyon ni Manilyn at ng kanyang misis na si Bing Loyzaga sa Mang Jose dahil mismong siya ang humiling sa mga movie producer na pagsama-samahin silang tatlo.

manilyn reynes mang juan

Continue reading below ↓

Superhero na naniningil ng bayad sa mga tinutulungan niya ang role ni Janno sa pelikula na ipinagmamalaki niya nang husto.

“Please watch it. Proud ako sa movie,” dagdag na pahayag niya.

May dahilan si Janno para magmalaki dahil pinaghirapan niya ang kanyang mga action stunt sa Mang Jose na puwedeng itapat sa ibang mga Pinoy superhero tulad nina Darna at Lastikman.

Saad niya, “Ang wala sila, sa utility belt ko, merong lumalabas na resibo. Yun ang wala sila.

"I hope [pumantay] sa ibang mga Pinoy superhero si Mang Jose. I can’t say that for myself. It’s up to the audience.

"Pero kaya niyang lumevel sa ibang mga superhero. Pinoy na Pinoy siya at malakas din ang power niya.

“The movie is geared towards the whole family. Walang bastos dito, kahit double meaning [na mga salita], wala. This is really for the whole family."

Dagdag ni Janno, “I think matagal nang walang superhero movie ang local cinema. Pagkatapos lumabas ng Marvel films, ng DC films, medyo nahiya na tayong maglabas.

Continue reading below ↓

“So this is our MCU [Marvel Cinematic Universe], kumbaga. In fact, balak ng Viva na magtayo ng sariling universe ng mga superhero.

“There’s two groups, I think, one for the serious superheroes, and then may grupo naman kami—sina Mang Jose, Kumander Bawang, Extrang Hero, si Super B... Nasa planning stages na siya.”

Dalawang set ng costume ang ginamit ni Janno para sa shooting ng pelikula, pero wala siyang idea sa presyo ng Mang Jose outfit na gusto niyang hingin bilang souvenir.

“Ang production ang may-gawa ng costume. Sana mahingi ko yung isa sa mga costume as a souvenir.”

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janno Gibbs on his Mang Jose superhero character: “Ang wala sila, sa utility belt ko, merong lumalabas na resibo. Yun ang wala sila. I hope [pumantay] sa ibang mga Pinoy superhero si Mang Jose. I can’t say that for myself. It’s up to the audience. Pero kaya niyang lumevel sa ibang mga superhero. Pinoy na Pinoy siya at malakas din ang power niya."
PHOTO/S: @jannogibbs on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results