Nasorpresa si Cindy Miranda, 31, sa isyung ikinagulat ng ex-boyfriend niyang si David Chua, 32, ang pagpapaseksi niya sa mga pelikula bilang konserbatibo ang beauty queen-actress noong magkarelasyon pa sila.
"Actor din siya. He knows na I’m not the one in the movie, it’s the character, so I don’t know why he reacted that way," diretsahang sagot ni Cindy.
"But, yeah, thank you. Maybe he watched a film na nagawa ko, thank you for watching.
"I’m not sure kung napanood niya, but hiiii!"
Ilan sa daring films ni Cindy ay ang Adan, Nerisa, House Tour, at My Husband My Lover kunsaan hindi siya nangiming magkaroon ng breast exposure sa kanyang love scenes.
Pero idiniin ni Cindy na hindi sukatan ang kanyang mga pelikula sa kung sino siya sa tunay na buhay.
Aniya, konserbatibo pa rin siya sa kabila ng mga mapapangahas na eksenang ginawa niya.
Dugtong ni Cindy tungkol kay David, "Ang tagal ko na po siyang hindi nakakausap. I hope he’s doing good but don’t worry, I’m okay.
"I’m still conservative in real life.
"Thank you if na-watch mo man yung isang film ko."
Nakapanayam si Cindy sa virtual media conference ng My Husband, My Lover nitong Biyernes ng hapon, November 19.
CINDY STILL FRIENDS WITH DAVID
Tinanong si Cindy kung handa ba siyang makapareha si David sa isang proyekto, kahit hindi maganda ang kanilang paghihiwalay noon.
"Why not? We’re friends," maagap na pagtutuwid ni Cindy.
"To me, magkaibigan kami. I don’t think pangit yung break up namin.
"I didn’t know na hindi maganda yung paghihiwalay namin kasi I think we’re still okay.
"I think we’re friends, wala lang communication because sobrang busy nga, nag-pandemic.
"I think busy din siya. Sabi ng friends niya, nagdidirek na siya. We’re good friends actually."
College sweethearts daw sila noon ni David, at tumagal ng pitong taon ang kanilang relasyon.
Balik-tanaw ni Cindy: "Magka-text pa kami even after nung nag-break na kami.
"Kasi parang naging magkapatid kami sa tagal namin—seven years. Bata pa lang kami, college, then after college.
"Hindi kami magkagalit. I hope na hindi siya ang nagsabi na hindi maganda yung break-up namin because we’re okay po."
TRIVIA: Noong kainitan ng kanilang pagmamahalan, ipina-tattoo ni David sa kanyang katawan ang pangalan ni Cindy.
Mapapansin iyon sa mga topless pictorial ni David noon.
Pero sa mga bagong Instagram post ng actor-director, tila ipinabura na niya ang tattoo dahil hindi na ito mapapansin.