Pagbabawal ng Israel sa foreigners dahil sa Omicron variant ng COVID-19, makaapekto kaya sa Miss Universe 2021?

by Jojo Gabinete
Nov 28, 2021
beatrice luigi gomez miss universe philippines
Ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2021 na si Beatrice Luigi Gomez ay nakarating na sa Tel Aviv, Israel para sa Miss Universe 2021 competition. Ngunit nanganganib na hindi matuloy ang grand coronation ng beauty pageant dahil sa pagsasara ng Israel sa borders nito at pagbabawal sa lahat ng foreigners bunsod ng bagong variant ng COVID-19, ang Omicron.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Ang bagong COVID-19 variant na natuklasan sa South Africa—na higit na mataas ang infection risk at binigyan ng pangalaG Omicron—ang pinakamalaking alalahanin ngayon ng buong mundo.

Ito ang dahilan kaya naghihigpit na sa pagtanggap ng mga dayuhan ang maraming bansa tulad ng Israel.

Simula nitong Linggo ng hatinggabi, November 28, isinara ng Israel sa mga dayuhan ang kanilang mga border bilang pag-iingat laban sa Omicron.

Pero hindi ang bagong strain ng COVID-19 ang pinoproblema ng beauty pageant fans. Mas apektado sila sa mangyayari sa 70th Miss Universe, na dapat maganap ang koronasyon sa December 12, 2021 sa Eilat, Israel.

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang Miss Universe Organization tungkol sa malaking problemang kinakaharap nila at nangangailangan ng maagap na solusyon dahil nakarating na sa Israel ang ibang mga kandidata ng 70th Miss Universe.

Nauna nang nagpunta sa Eilat, Israel noong nakaraang linggo si reigning Miss Universe Andrea Meza, na nagkaroon na ng mga photo shoot at filming para sa mga segment niya.

Continue reading below ↓

Hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang Miss Universe Philippines Organization sa aksyon na kanilang gagawin tungkol sa bagong travel restriction na ipinatutupad ng Israel.

Umalis sa Pilipinas si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez kagabi, November 27. Kasama niyang lumipad ang Miss Universe Philippines Organization Creative director na si Jonas Gaffud at si Miss Universe Singapore 2021 Nandita Banna.

Walang kamalay-malay sina Bea at Jonas sa nangyari dahil nasa himpapawid pa sila nang maglabas ng direktiba ang pamahalaan ng Israel tungkol sa pagbabawal sa mga dayuhang pumasok sa bansa bilang pag-iingat laban sa Omicron COVID variant.

Makalipas ang mahigit sa labing-anim na oras na biyahe sa eroplano, maluwalhating nakarating sina Bea at Jonas sa Tel Aviv ngayong Linggo ng hapon, November 28.

Ibinahagi ni Jonas sa kanyang Facebook page ang mga larawan ng pagdating nila ni Bea sa Tel Aviv.

“Finally after all the stressful news online, we arrived in Israel. Tel Aviv, Israel, what a dream to come here,” sabi ni Jonas.

Continue reading below ↓

jonas gaffud bea luigi gomez arrival in israel

Malaki ang perhuwisyo sa Miss Universe Organization, pati na sa official candidates ng 70th Miss Universe, ang desisyon ng Israeli government dahil sa mga gastos at matagal na panahong paghahanda nila.

Imbitadong maging hurado sa 70th Miss Universe ang isang sikat na Kapuso actress na inaayos na ang travel requirements, pero walang katiyakan ang lahat dahil sa pagsasara ng Israel sa mga border nito.

Continue reading below ↓

Nakatakda sa November 29 (Martes ng umaga, November 30 sa Pilipinas) ang coronation night ng 70th Miss USA.

Ang mananalong Miss USA 2021 ang official representative sa 70th Miss Universe. Pero malabong makapunta sa Eilat, Israel ang magwawagi dahil sarado na ang Israel para sa mga dayuhan.

Ang Miss Universe Organization ang nagmamay-ari sa Miss USA at imposibleng pumayag silang walang kinatawan ang kanilang bansa sa 70th Miss Universe, na matutuloy lang kung ililipat ang koronasyon sa ibang araw at sa ibang bansa.

Official candidate sa 70th Miss USA ang Filipina-American transgender woman na si Kataluna Enriquez.

Si Kataluna ang official representative ng State of Nevada.

Ipinagdarasal ng mga Pilipino na siya ang manalo ng Miss USA 2021 crown. Kung papalarin si Enriquez na magwagi, siya ang magiging kinatawan ng USA sa 70th Miss Universe.

Kapag nangyari ito, hindi imposibleng maging roommate niya ang kapwa Pilipina na si Beatrice Luigi Gomez, isa sa mga kontrobersiyal na kandidata dahil sa pag-aming miyembro siya ng LGBTQ community.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2021 na si Beatrice Luigi Gomez ay nakarating na sa Tel Aviv, Israel para sa Miss Universe 2021 competition. Ngunit nanganganib na hindi matuloy ang grand coronation ng beauty pageant dahil sa pagsasara ng Israel sa borders nito at pagbabawal sa lahat ng foreigners bunsod ng bagong variant ng COVID-19, ang Omicron.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results