PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Will Tracy Maureen Perez bring home the Miss World crown?

O masungkit muli ng India ang korona pagkatapos ng Miss Universe win nila?
by Jojo Gabinete
Published Dec 16, 2021
Tracy Maureen Perez
Isa kaya kina Tracy Maureen Perez (kaliwa) ng Pilipinas at Manasa Varanasi (kanan) ng India ang makapg-uwi ng Miss World 2021 corwn?
PHOTO/S: Miss Universe Philippines Facebook

Live na mapapanood sa streaming site na Upstream.ph ang final show ng 70th edition ng Miss World bukas ng umaga (8 a.m.), December 17.

Gaganapin ang grand coronation sa Jose Miguel Agrelot Coliseum ng San Juan, Puerto Rico.

Tulad ng live telecast ng 70th Miss Universe noong December 13, inaabangan ng Filipino beauty pageant fans ang 70th Miss World dahil sigurado nang kasali sa Top 30 ang Philippine bet na si Tracy Maureen Perez.

Malaki ang hamon para maiuwi ni Tracy ang second Miss World crown na unang napanalunan ni Megan Young noong August 18, 2013 dahil pumasok si Beatrice Luigi Gomez sa Top 5 finalists ng 70th Miss Universe.

Sa mga hindi nakakaalam, official candidate sa Miss Universe Philippines si Tracy noong October 2020 pero hanggang Top 16 lamang ang narating niya.

Si Rabiya Mateo ang nanalo ng Miss Universe Philippines 2020 crown.

Tracy Maureen Perez and Manasa Varanasi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi nawalan ng pag-asa si Tracy dahil sumali siya sa Miss World 2021 noong October 3, 2021 at pinalad na magwagi.

Kung hindi man mahigitan, ang pantayan ni Tracy ang napatunayan ni Beatrice sa 70th Miss Universe ang hamon sa kanya ng mga Pinoy na uhaw na muling magkaroon ng international beauty queen ang Piipinas.

INDIA'S BET TO MISS WORLD 2021

Hindi nag-iisa si Tracy dahil mas matindi ang hamon kay Miss World India Manasa Varanasi ng mga kababayan nito.

Si Harnaaz Sandhu ng India ang itinanghal na Miss Universe 2021 noong December 13 kaya may pressure kay Manasa na pilitin niyang makuha ang 70th Miss World title dahil pangarap ng Indian people na maulit ang nangyari noong 1994 at 2000.

Si Sushmita Sen ang nanalong Miss Universe noong May 21, 1994 sa coronation night na nangyari sa Pilipinas; at si Aishwarya Rai ang Miss World 1994 sa final show na idinaos sa Sun City, South Africa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sushmita Sen and Aishwarya Raiat 1995 Femina Miss India coronation

Noong 2000, si Lara Dutta ang nag-uwi ng Miss Universe crown, si Priyanka Chopra ang hinirang na Miss World 2000, at si Dia Mirza ang Miss Asia Pacific winner.

Tinawag na "The Golden Year" ng India sa pageantry ang triple victory nina Lara, Priyanka, at Dutta noong 2000.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lara Dutta, Priyanka Chopra, and Dia Mirza

Gaya nina Sushmita at Aishwarya, ang mga international beauty title na napanalunan nila ang naging instrumento para maging Bollywood stars silang lahat.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa kaya kina Tracy Maureen Perez (kaliwa) ng Pilipinas at Manasa Varanasi (kanan) ng India ang makapg-uwi ng Miss World 2021 corwn?
PHOTO/S: Miss Universe Philippines Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results