Nag-alala si Xian Lim na baka hindi matuloy ang Love. Die. Repeat., ang unang project niya sa GMA-7, nang makumpirmang buntis ang kanyang leading lady na si Jennylyn Mercado.
Ito ang ibinahagi ng aktor sa naganap na virtual media conference ng False Positive ngayong Huwebes ng gabi, December 16.
Ang False Positive ang primetime romantic-comedy series na pinagbibidahan nila ni Glaiza de Castro na mapapanood sa Kapuso Network simula sa January 2022.
Pahayag ni Xian, “Yung initial reaction ko was, I was a bit worried na kailan magre-resume?
“Of course, we’re all very happy for Jennylyn, congratulations. But at the same time, there was that worry na, 'Kailan kaya magre-resume yung show? Are we gonna stop completely, what’s gonna happen?'”
Mabilis na nagkaroon ng kasagutan ang agam-agam ni Xian dahil siya ang napiling kapareha ni Glaiza sa False Positive.
“But other than that, mabilis lang yung proseso. Nabanggit agad nila na merong False Positive and same director [Irene Villamor]. Makakasama ko pa si Glaiza,” dagdag na pahayag ni Xian.
Halatang nagbibiro naman ang aktor sa mga sumunod niyang sagot tungkol sa kanyang reaksiyon nang malaman niyang si Glaiza ang lead actress ng False Positive.
Sabi ni Xian, “Ang naging reaksiyon ko, tinanong ko sila, ‘Okay lang po ba kay Glaiza na ako po yung makaka-partner niya? Kung okay po, e, di go.'
“Nung ikinuwento nila agad yung story sa akin, ang tagal ko na rin kasing hinahanap na bumalik sa rom-com. I think, like, dun talaga ako nagsimula sa romantic comedy and, by heart, ang feeling ko, dun talaga ako minahal.
“Ang feeling ko talaga dun ako nag-excel. It’s nice to be back doing romantic comedies.”
Nang tanungin tungkol sa working environment sa set ng False Positive, sinabi ni Xian na masaya at excited siya dahil sa kanyang mga kasamahan sa trabaho.
Saad niya, “The working environment, wala akong masabi. I feel very happy to be… ito yung tipo ng project na paggising mo, excited ka na magtrabaho. Excited kang makihalubilo sa staff.
"Excited ako na makihalubilo kina Glaiza, Rochelle Pangilinan, Buboy Villar, Herlene Budol, Dom Roco...
“Everyone just gives a friendly vibe and hindi naman puwedeng tropahan na lang. Everyone wants to make the project work.
“Nakaka-inspire. Nakaka-infect yung energy na ibinibigay nila, so I feel really happy na nabigyan ako ng pagkakataon sa project na 'to.”
Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.