PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryza Cenon clarifies she did not pay Lolo Nardo's bail

Ryza Cenon, tinupad ang pangakong magpapadala ng tulong kay Lolo Nardo.
by Jojo Gabinete
Published Jan 21, 2022
ryza cenon lolo nardo bail
Tinupad ng aktres na si Ryza Cenon ang pangako niyang mag-aabot ng tulong kay Nardo Flores, ang 80-anyos na lolo na inaresto dahil sa akusasyong pagnanakaw ng sampung kilo ng mangga. Nilinaw rin ni Ryza na hindi siya ang nagbayad ng piyansa ni Lolo Nardo para sa pansamantala nitong kalayaan.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Ang report PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagnanais ni Ryza Cenon na siya ang magbayad ng piyansa para makalaya si Nardo Flores ang ginamit na reference ng isang pahayagan, pero mali ang inilabas nitong balita na ang aktres ang nagbigay ng P6,000 bail kaya nakauwi na ng tahanan ang 80-year-old grandfather.

Si Lolo Nardo ng Asingan, Pangasinan ay inakusahan ng pamimitas ng sampung kilo ng mangga.

Related Story: Ryza Cenon, nagboluntaryong bayaran ang piyansa ng 80-anyos na lolong inaresto dahil sa 10 kilo ng mangga

Nilinaw ni Ryza na hindi siya ang dahilan kaya pinalaya na ang akusado.

Marami ang tumulong kay Lolo Nardo kaya nahihiya si Ryza sa taong nauna nang tumulong at nagbigay ng pambayad sa piyansa.

Ngayong Biyernes, January 21, 2022, lamang nagkaroon ng komunikasyon ang aktres kay Atty. James Fernandez, ang abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) na nag-asikaso para mapabilis ang paglaya ni Lolo Nardo, na nahaharap sa kaso ng pagnanakaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Atty. Fernandez ang nagsilbing tulay kaya nagkaroon ng komunikasyon si Ryza sa pamangkin ng lolong pinag-uusapan dahil sa bintang na pinitas niya ang mga bunga ng mangga mula sa puno na siya ang nagtanim pero sakop ng lupa ng taong nagreklamo sa kanya.

Tinupad ni Ryza ang pangakong magpapadala ng tulong kay Lolo Nardo, kahit may ibang nagbayad ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.

Tiyak na mapapakinabangan ni Lolo Nardo ang tulong na natanggap niya mula kay Ryza, na hangga’t maaari ay ayaw ipaalam sa publiko ang mga pagkakawanggawa niya.

Nalaman ng publiko ang kagustuhan ni Ryza na matulungan si Lolo Nardo nang pumayag siyang isulat ng PEP.ph ang kanyang panawagan dahil hindi niya alam kung paano siya magkakaroon ng komunikasyon sa matanda noong mga panahong nasa kustodiya pa ito ng Asingan Police.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tinupad ng aktres na si Ryza Cenon ang pangako niyang mag-aabot ng tulong kay Nardo Flores, ang 80-anyos na lolo na inaresto dahil sa akusasyong pagnanakaw ng sampung kilo ng mangga. Nilinaw rin ni Ryza na hindi siya ang nagbayad ng piyansa ni Lolo Nardo para sa pansamantala nitong kalayaan.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results