PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tom, Carla, Rita, at Enchong napahamak dahil sa social media

Enchong Dee, nagtatago nga ba dahil sa warrant of arrest sa kanya?
by Jojo Gabinete
Published Jan 29, 2022
tomcar rita enchong
Dahil sa kani-kanilang social media accounts at posts ay nasasangkot ngayon sa magkakahiwalay na isyu ang mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana, ang aktres na si Rita Avila, at ang aktor na si Enchong Dee.
PHOTO/S: Pat Dy / Instagram

Kung ginagamit ng mga artista na secret weapon ang social media para i-promote ang mga sarili, marami rin ang mga showbiz personality na ipinapahamak ng kanilang mga social media post gaya nina Carla Abellana, Tom Rodriguez, Rita Avila, at Enchong Dee.

Malaki ang kinalaman nina Carla at Tom kaya mabilis na kumalat ang balitang hiwalay sila, tatlong buwan matapos na maganap ang pag-iisang dibdib nila sa isang simbahan sa San Juan, Batangas noong October 23, 2021.

Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?

Kung hindi nag-unfollow sina Carla at Tom sa Instagram account ng isa’t isa, hindi maghihinala ang mga taong may problema sa kanilang pagsasama.

Nakapagpalala sa isyu ang cryptic audio file post ni Tom at ang disabled comment section sa kanyang Instagram account.

May mga kuwento ring hindi sinasagot ng mag-asawa ang mga mensahe sa telepono na ipinadadala sa kanila ng mga ninong at ninang nila sa kasal na labis na nag-aalala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang lumaki na ang balitang hiwalay na sila, muling sinubaybayan nina Carla at Tom ang Instagram account ng isa't isa. Hindi ito nakatulong para mamatay ang isyu dahil nagkaroon ng pakiramdam ang ilang netizens na napaglaruan sila kaya nakatikim ng mga batikos at paghuhusga ang mag-asawa.

Kung may nakinabang man sa rumored marriage breakup nina Carla at Tom, ito ay ang actress-beauty queen na si Kelley Day na kusang inabsuwelto ang sarili sa pamamagitan din ng isang IG post.

Hindi kailangan ni Kelley na magpaliwanag dahil wala nga siyang kasalanan pero pabor na pabor sa kanya ang ginawa niya. Nagkaroon si Kelley ng mga libreng publicity dahil headline sa mga entertainment site ang kanyang social media post.

RITA AVILA ON BOY ABUNDA

Si Rita Avila ang nagsimula at tumapos ng isyu tungkol sa kanyang obserbasyong hindi naging patas si Boy Abunda sa one-on-one interview nito kay presidential aspirant Vice President Leni Robredo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkakasunod na post ni Rita: “Mr. Boy Abunda, I love you but I feel something heavy while you were talking to VP Leni. You keep on cutting her and you act like you are against what she is saying"

“Why? Parang ayaw mo na pasagutin. Parang ayaw mo sha mag-expound. Ang sad, Boy. Pinagtanggol pa kita na professional ka and respectful sa sinumang guest mo.”

Read: Rita Avila to Boy Abunda on his interview with VP Leni Robredo: "Parang ayaw mo na pasagutin."

Dahil dito, pareho sila ni Boy na pinagpistahan at nakatikim ng mga batikos mula sa mga netizen na may mga sinusuportahang presidential candidate.

Kahapon, January 28, ibinalita ni Rita na nagkausap at nagkapaliwanagan na sila ni Boy.

Sabi ni Rita: "For the longest time, Boy and I have been friends though we do not see each other often.

“We are both outspoken and honest, yet, we can still respect each other even if we say dissenting comments or otherwise about relevant issues.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Out of decency, I reached out to him and he called to return the respect. In his appreciation for my trust, we promised to remain as good friends in this kind of world.”

Mararamdaman sa mga social media post ni Rita na "showbiz friends" lamang sila ni Boy at hindi malalim ang kanilang relasyon bilang magkaibigan.

Kung may pagpapahalaga si Rita sa pagiging magkaibigan nila ni Boy, pipiliin niyang tawagan nang personal ang TV host o magpapadala siya ng text message, imbes na ilabas sa social media ang kanyang mga sentimyento.

Ang mga social media post ni Rita ang ginamit na dahilan ng kanyang detractors para laitin at pukulin siya ng masasakit na salita.

Naiwasan sana ni Rita na maging bashing victim kung tinawagan na lamang niya si Boy sa telepono dahil sa kanya rin nanggaling ang salitang matagal na silang magkaibigan.

ENCHONG DEE

Parang pamintang dinurog nang husto si Enchong Dee ng netizens dahil sa mga news headline na nagtatago siya sa batas kaya hindi naihain sa kanya ang arrest warrant para sa P1-billion cyber libel complaint na isinampa ni DUMPER Representative Claudine Bautista-Lim sa Davao Occidental Regional Trial Court noong August 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: PUV drivers representative Claudine Bautista-Lim sues Enchong Dee for cyber libel; seeks staggering P1B damages

Napahamak si Enchong dahil sa sariling kagagawan nito nang mag-post siya ng komento sa kanyang Twitter account noong August 14, 2021 tungkol sa Balesin wedding ni Bautista.

Binura ni Enchong ang komento at humingi siya ng paumanhin kay Bautista, pero natuloy pa rin ang kasong ginagamit ngayon ng netizens sa pangungutya sa pagkatao ng aktor.

Ayon sa mga report, inihain umano ang arrest warrant para kay Enchong sa address nito sa Cubao, Quezon City noong January 26, 2022, pero wala ang aktor sa nabanggit na lugar.

Kung nagsaliksik na mabuti ang mga nagsilbi ng arrest warrant para kay Enchong, hindi na sila mapapagod at mag-aaksaya ng oras dahil malalaman nilang hindi nakatira ang aktor sa dalawang mid-rise building na pinauupahan nito—isa sa kanto ng Ermin Garcia Street at Annapolis Street sa Cubao, Quezon City, at isa sa 15th Avenue, Murphy, Quezon City na ipinakita niya sa kanyang YouTube channel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapanood din sa vlog ni Enchong ang naipundar nitong condominium unit sa Makati City. Pero noon pa man, nabanggit niya sa mga interbyu na umuuwi siya sa tahanan nila ng kanyang pamilya sa San Juan City.

Ang mga karanasan nina Carla, Tom, Rita, at Enchong ang muling magpapaalaala sa lahat na maging maingat sa paggamit ng social media na totoong may mga naidudulot na kabutihan at kasiyahan pero naghahatid din ng mga problema at kapahamakan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa kani-kanilang social media accounts at posts ay nasasangkot ngayon sa magkakahiwalay na isyu ang mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana, ang aktres na si Rita Avila, at ang aktor na si Enchong Dee.
PHOTO/S: Pat Dy / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results