PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AJ Raval skips virtual storycon due to slow Internet connection?

Jay Manalo, siguradong di masasangkot sa video scandal.
by Jojo Gabinete
Published Feb 14, 2022
aj raval pep live
Tanging si AJ Raval ang lead star ng upcoming Vivamax series na Iskandalo ang hindi naka-attend ng Zoom story conference ngayong Valentine's Day, February 14. Kasalukuyang nasa Leyte ang sexy star kasama ang nobyong si Aljur Abrenica.
PHOTO/S: PEP Live

Hindi dumalo si AJ Raval sa Zoom story conference ng Iskandalo na naganap ngayong Lunes ng hapon, February 14, 2022.

Dahil dito, may mga nagmalisyang baka mahina ang Internet signal sa Tanauan, Leyte.

Ang Iskandalo ang upcoming series ng Vivamax na mula sa direksiyon ni Roman Perez Jr. Pinagbibidahan ito nina AJ, Cindy Miranda, Ayanna Misola, Jay Manalo, Sean de Guzman, Francis Magundayao, Angela Morena, Carlene Aguilar, Evangeline Pascual, at Joonee Gamboa.

Sa lead cast ng Iskandalo, tanging si AJ lamang ang hindi nakadalo sa idinaos na story conference.

Ang biyahe nila ni Aljur Abrenica sa Leyte ang inisip na dahilan ng mga miyembro ng entertainment press dahil sabay-sabay lumabas ngayon ang balitang namataang magkasama sina AJ at Aljur sa isang hotel sa bayan ng Tanauan.

Read: Aljur Abrenica, AJ Raval spend Valentine's together at a hotel in Leyte

Magsisimula sa February 17 ang lock-in taping ng Iskandalo kaya nasa quarantine na ang cast nang humarap sila sa entertainment press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tungkol sa video scandal na nagpabago sa buhay ng mga karakter sa Iskandalo ang kuwento ng bagong proyekto ni Direk Roman.

Pero nagsalita nang tapos si Jay na hinding-hindi siya masasangkot sa mga video sex scandal.

Sabi ng beteranong aktor, “Hinding-hindi mangyayari sa akin ‘yan. Unang-una, sa lahat, nirerespeto ko ang babae.

"Hindi ko trip yung nagbi-video, ayoko nun. Gusto ko private, sagrado yun. Hindi ako ganoon."

Para naman kay Sean, itanggi na lang ang isyu kung may katotohanan.

Aniya, “Kung magkaroon man ng eskandalo, palipasin na lang. Huwag na sigurong sagutin o patulan yung mga tanong sa social media.

“Kung made-deny mo naman, i-deny mo kung makakaya. Pero yun nga, sabi ni Sir Jay, huwag na lang gawin yung mga ganoong bagay.”

Nag-deny si Sean na siya ang lalaking bida sa isang private video na kumalat noong 2020.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tanging si AJ Raval ang lead star ng upcoming Vivamax series na Iskandalo ang hindi naka-attend ng Zoom story conference ngayong Valentine's Day, February 14. Kasalukuyang nasa Leyte ang sexy star kasama ang nobyong si Aljur Abrenica.
PHOTO/S: PEP Live
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results