Magkasama ngayong Valentine’s Day sa isang hotel sa Tanauan, Leyte ang magkarelasyong sina Aljur Abrenica at AJ Raval.
Sa isang post sa Facebook page ng Haiyan Hotel and Resort ngayong araw, February 14, 2022, pinasalamatan ng administrator ng kanilang page ang dalawa sa pagbisita sa kanilang resort.
Kalakip nito ang dalawang larawan kung saan magkasama sina Aljur at AJ, at ang isa naman ay kasama ang isang staff ng hotel.
Makalipas ang ilang oras, nag-post muli ang administrator ng page ng tatlong larawan kung saan kasama nina Aljur at AJ ang may-ari ng hotel.
Noong October 5, unang inamin ni AJ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nanliligaw sa kanya si Aljur at mayroon silang magandang unawaan.
October 6 nang maging mainit na usapan sa showbiz ang viral photos nina AJ at Aljur na magkayakap at magka-holding hands habang namimili sa isang mall.
Dito lumala ang mga batikos sa dalawa.
Noong October 11, may mga kumalat na screenshot ng private chat ni Kylie sa kanyang fans.
Dito tuwirang inabsuwelto ni Kylie si AJ at sinabing hindi ito ang "third party" sa breakup nila ng asawang si Aljur.
