PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tracy Maureen Perez on grand finale of Miss World 2021

Si Tracy Maureen Perez na kaya ang maging pangalawang Pinay Miss World?
by Jojo Gabinete
Published Mar 14, 2022
tracy maureen perez
Kung papalarin, masusundan ni Tracy Maureen Perez (nasa larawan) ang yapak ni Megan Young, ang kauna-unahang Pilipina na itinanghal na Miss World.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Nakabalik na si Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez sa San Juan, Puerto Rico para sa finale pageant ng 70th Miss World.

Magaganap ito sa Jose Miguel Agrelot Coliseum sa March 16, 2022, at live na mapapanood sa Pilipinas sa Huwebes ng umaga, March 17, sa UPSTREAM.ph.

Siyamnapu’t pito (97) mula sa iba’t ibang bansa ang kalahok sa 70th Miss World, na hindi natuloy ang grand coronation noong December 16, 2021 dahil sa mga kandidata at production staff na nagkaroon ng COVID-19.

Ipinagpaliban ng Miss World Organization ang pageant finale sa March 16, pero apatnapu’t apat (44) na kandidata na lamang, kabilang si Tracy, sa mga mapapalad na pinabalik sa Puerto Rico.

Nakatulong kay Tracy ang pagkakaudlot ng koronasyon ng 70th Miss World noong December 2021 dahil nakapaghanda siyang mabuti sa sasalihang international beauty pageant.

Kung papalarin, masusundan niya ang yapak ni Megan Young, ang kauna-unahang Pilipina na itinanghal na Miss World.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama si Tracy sa Top 30 candidates ng 70th Miss World dahil kabilang siya sa mga nanalo sa second round ng Head-to-Head Challenge at kasama sa Top 5 finalists para sa Beauty with A Purpose Challenge.

Mag-uumpisa sa ganap na alas-otso ng umaga sa March 17 ang live online at commercial-free streaming ng 70th Miss World sa UPSTREAM.ph, kaya iniimbitahan ang lahat na panoorin at suportahan si Tracy sa pangarap nitong makuha ang pangalawang korona ng Miss World para sa Pilipinas.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung papalarin, masusundan ni Tracy Maureen Perez (nasa larawan) ang yapak ni Megan Young, ang kauna-unahang Pilipina na itinanghal na Miss World.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results