Watch Now

Cindy Miranda at Angela Morena, dapat bang ihingi ng kapatawaran ang paghuhubad sa pelikula?

by Jojo Gabinete
Apr 14, 2022
cindy miranda, angela morena
Sinagot ng sexy stars na sina Cindy Miranda (kaliwa) at Angela Morena (kanan) ang tanong kung ihihingi ba nila ng tawad ngayong Semana Santa ang ginagawa nilang paghuhubad sa mga pelikula at original series.
PHOTO/S: Instagram

Dahil sa paggunita sa Semana Santa sa linggong ito, ihihingi ba nila ng kapatawaran ang kanilang ginagawang paghuhubad sa mga pelikula at original series?

Ito ang itinanong sa cast ng Iskandalo, ang Vivamax original series na tinatampukan nina Cindy Miranda, Jamilla Obispo, Angela Morena, AJ Raval, at Ayanna Misola.

Sa mga nabanggit na sexy star, tanging sina Cindy at Angela ang nagbigay ng opinyon tungkol sa tanong sa kanila.

Para kay Cindy, nagtatrabaho lamang siya kaya walang dahilan para ihingi niya ng kapatawaran ang kanyang pagpapaseksi at paghuhubad sa harap ng kamera.

Read: Reroute star Cindy Miranda, hindi kayang gawin ang car sex sa totoong buhay

Saad nita, “I don’t think naman na kasalanan yung ginawa namin. Wala po kaming kinomit na crime. Pero siyempre, hindi nga pare-pareho ang opinyon.

“We’re just here to entertain. Kung may nabastos man kami, siyempre, may freedom tayo not to watch kung anuman yung ginagawa namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But hindi ko po ihihingi ng tawad because I’m here to work.

“I work for my family, for my friends, for my future, so as long as wala kang tinatapakang tao, wala kang inagrabyado, and I believe wala po akong inagrabyado sa trabaho ko, walang masama dun.”

Naniniwala naman si Angela na araw-araw at hindi lamang dapat tuwing Mahal na Araw ang paghingi ng tawad sa Diyos dahil sa kanilang mga kasalanan.

“Kung meron man kaming ginawa na hindi maganda na kailangan na ihingi ng tawad, siguro hindi tuwing Holy Week.

I think every day siya na kailangang gawin. We can never judge someone’s repentance…” reaksiyon ni Angela.

Si Angela ay pamangkin ng former sexy star na si Lara Morena.

Iniidolo raw niya nang husto ang kanyang tiya kaya ito ang role model ni Angela nang magdesisyon siyang pumasok sa showbiz at maghubad sa pelikula para madaling matupad ang pangarap na maging artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tatlong pamangkin ni Lara Morena, sinundan ang kanyang yapak sa pagpapa-sexy sa pelikula

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinagot ng sexy stars na sina Cindy Miranda (kaliwa) at Angela Morena (kanan) ang tanong kung ihihingi ba nila ng tawad ngayong Semana Santa ang ginagawa nilang paghuhubad sa mga pelikula at original series.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results