Watch Now

Ai-Ai delas Alas, sinagot ang patutsada sa kanya ni Audie Gemora

by Jojo Gabinete
Apr 19, 2022
ai-ai delas alas on audie gemora
Ai-Ai delas Alas on Audie Gemora: "I wish him well, and sana maging marami rin siyang blessings para makita niya ang kagandahan ng bawat isa sa atin. Ginawa tayo ni God in our own unique ways so in God’s eyes, iba-iba tayo. Pati nga fingerprints natin iba-iba tayo."
PHOTO/S: @aiaidelasalas / @audiegemora on Instagram

Noong April 8, 2022 ay nag-post ang singer at direktor na si Audie Gemora sa Twitter account nito ng kanyang opinyon at pagkukumpara sa mga comedienne na sina Ai-Ai delas Alas at Pokwang.

Kalakip nito ang quote ni Pokwang tungkol sa mga nagbabantang i-unfollow siya dahil sa kanyang paniniwala na may kinalaman sa pulitika.

Read: Pokwang dares non-Kakampinks to unfollow her: "Go ahead di po ako takot mawalan ng followers!"

Si Vice President Leni Robredo ang presidential candidate na sinusuportahan nina Audie at Pokwang, samantalang si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. naman ang sinusuportahan ni Ai-Ai.

Read: Ai-Ai delas Alas declares support for Bongbong Marcos-Sara Duterte tandem

Pagkukumpara ni Audie kina Pokwang at Ai-Ai sa kanyang tweet: “I always thought Pokwang funnier, more intelligent than Ai2.”

audie gemora tweet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga nagpadala kay Ai-Ai ng screenshot ng social media post noon ni Audie, pero hindi siya pumatol o sumagot.

Una, hindi niya raw kilala si Audie.

At pangalawa, hindi siya naapektuhan.

Pero hindi na nakaiwas si Ai-Ai na hindi sagutin ang tanong na may kinalaman kay Audie nang makausap siya ng entertainment writers ngayong Martes ng hapon, April 19, nang i-promote niya ang Raising Mamay, ang Kapuso afternoon drama series na kanyang pinagbibidahan.

"In case lang na itanong sa akin ‘yan, pinag-isipan ko talaga, e. Paano ko ba ito masasagot na hindi ako plastik at saka hindi talaga ako yung nagdudunung-dunungan o nagbabait-baitan.

"Kaya sabi ko talaga, 'Lord, paano ko ba sasagutin ito nang bukal sa puso ko talaga?'" reaksiyon ni Ai-Ai nang marinig nito ang tanong tungkol kay Audie.

Patuloy ng Comedy Queen, “Kasi napaka-blessed na blessed na ako, e. Una, may trabaho ako. May Raising Mamay ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala akong sakit. Hindi ako nagkaroon ng COVID.

"Ang mga anak ko, walang sakit. May asawa akong mapagmahal.

"Kumbaga, napakarami kong blessings, and I hope, siya [Audie] rin."

Mensahe pa niya kay Audie: "I wish him well, and sana maging marami rin siyang blessings para makita niya ang kagandahan ng bawat isa sa atin.

“Ginawa tayo ni God in our own unique ways so in God’s eyes, iba-iba tayo. Pati nga fingerprints natin iba-iba tayo.

"So, I think, let’s all speak and claim blessings instead."

Naranasan ni Ai-Ai maging biktima ng mga batikos dahil sa mga kandidatong pinili niyang suportahan.

May mga relasyon ng mga pamilya at magkakaibigan ang nasira dahil masyado nilang sineryoso ang mga isyu tungkol sa pulitika, kaya maging maingat sa pagbibitaw ng salita ang payo ni AiAi para sa lahat.

Saad niya, “Isang araw lang naman ito. Pagkatapos nito, magkakaibigan uli kayo, magkakamag-anak kayo.

"So, I think na mas maganda rin na be careful kayo sa mga sasabihin ninyo o bibitawang salita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi kapag medyo nasaktan mo yung kaibigan mo or nasaktan mo yung kapamilya mo or pamilya mo tungkol diyan sa mga pulitika na ‘yan, mahirap mo nang ibalik.

“So, dapat careful, kasi sandali lang ito. Isang araw lang ito and babalik ulit tayo sa dati kapag may nanalo na.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on Audie Gemora: "I wish him well, and sana maging marami rin siyang blessings para makita niya ang kagandahan ng bawat isa sa atin. Ginawa tayo ni God in our own unique ways so in God’s eyes, iba-iba tayo. Pati nga fingerprints natin iba-iba tayo."
PHOTO/S: @aiaidelasalas / @audiegemora on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results