Watch Now

Ryza Cenon, kinakabahan sa pagpapalabas ng comeback movie niya sa sinehan

by Jojo Gabinete
Apr 21, 2022
ryza cenon rooftop
Ryza Cenon: "Super sobrang na-miss ko po [ang showbiz]. Three years din na hindi ako nag-work and sobrang three years din akong nag-struggle dahil first-time mom ako."

Parang baguhang artista na nagsisimula pa lamang ang acting career ang pakiramdam ni Ryza Cenon nang humarap siya sa entertainment press para sa digital media conference ng Rooftop ngayong Huwebes ng hapon, April 21, 2022.

Ang Rooftop ang horror movie na kasali sa Asian Horror Festival na mag-uumpisa sa April 27 at mapapanood sa mga sinehan ng SM Cinema.

Read: Ryza Cenon comeback movie Rooftop included in Asian Horror Festival

Sinabi ni Ryza na may kaba siyang nararamdaman dahil ang Rooftop ang unang Tagalog movie na ipalalabas sa mga sinehan sa panahon ng pandemya.

Pagtatapat niya, “Actually, kinakabahan ako. Pressured ako dahil kami yung una.

“Siyempre, alam naman natin na halos lahat ng mga tao, takot lumabas, especially sa sinehan kasi kulob siya. Sana suportahan ng mga Pilipino ang Rooftop.”

Natutuwa at nasasabik si Ryza sa muling pagbabalik niya sa show business.

“Super sobrang na-miss ko po [ang showbiz]. Three years din na hindi ako nag-work and sobrang three years din akong nag-struggle dahil first-time mom ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya lagi kong sinasabi na pressured ako ngayon kasi ito agad ang unang pelikula na ipalalabas sa mga sinehan.

“Na-excite kasi ako. Sana after this, magtuluy-tuloy na dumating yung mga trabaho.”

Napilitang magpahinga sa pag-arte si Ryza nang magbuntis at isilang niya ang panganay na anak nila ng kanyang boyfriend na si Miguel Cruz noong October 2020.

Read: Ryza Cenon gives birth to baby boy

Ang Rooftop ang comeback project ni Ryza at puring-puri niya si Yam Laranas, ang direktor ng barkada horror movie na pinangungunahan nila nina Rhen Escaño, Ella Cruz, Andrew Muhlach, Marco Gallo, at Marco Gumabao.

“First time kong makatrabaho si Direk Yam. As a director, sobrang galing niya.

“Siya ang nagsulat [ng script ], siya ang nagdirek, at siya ang director of photography so tatlong trabaho yung ginawa niya.

“At yung production staff , mabibilis silang lahat kumilos, so yun naman ang nagustuhan ko,” saad ni Ryza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryza Cenon: "Super sobrang na-miss ko po [ang showbiz]. Three years din na hindi ako nag-work and sobrang three years din akong nag-struggle dahil first-time mom ako."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results