PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Iglesia Ni Cristo picks Marcos-Duterte tandem for 2022 elections

Sinu-sino ang mga senador na nakapasok sa listahan ng INC?
by Jojo Gabinete
Published May 3, 2022
bongbong sara inc
Gaya ng inaasahan, ang mga kandidatura nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio ang susuportahan ng religious sect na Iglesia Ni Cristo sa May 9, 2022 elections. Inanunsiyo rin ng INC ang 12 senador na iboboto nila.
PHOTO/S: Bongbong Marcos Facebook

Ang mga kandidatura nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential contender Sara Duterte-Carpio ang susuportahan ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Ang INC ay ang block-voting religious sect na tinatantiyang may tatlong milyong miyembro sa buong mundo.

Opisyal na inihayag ng INC ngayong Martes ng gabi, May 3, 2022, ang mga kandidatong kanilang susuportahan sa pamamagitan ng Mata Ng Agila, ang news program ng Net25, ang TV network ng Eagle Broadcasting Corporation na pinamumunuan ng mga primary stakeholder ng naturang simbahan.

Ang broadcast journalist na si Anthony “Ka Tunying” Taberna ang isa sa mga miyembro ng INC.

Ginamit niya ang kanyang Facebook page para ihatid sa publiko ang listahan ng mga kandidatong iboboto nila sa halalan sa May 9, 2022.

Ang INC ang may-ari ng Philippine Arena, ang venue ng grand proclamation rally ng UniTeam Alliance nina Marcos at Duterte noong February 8, 2022.

Kaya noon pa man, nagkaroon na ng malakas na hinala na ang dalawa ang susuportahan ng mga opisyal at miyembro ng nabanggit na simbahan. Pero itinanggi ito ni Marcos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Toni Gonzaga criticized by Kapamilya supporters, colleagues for hosting Marcos-Duterte rally; Toni "unbothered"?

Kung sina Marcos at Duterte ang presidential at vice presidential bets ng INC, kabilang naman sina Robin Padilla, Jinggoy Estrada, Alan Peter Cayetano, ex-PNP Chief Guillermo Eleazar, JV Ejercito, Sherwin Gatchalian, Loren Legarda, Joel Villanueva, former DPWH Secretary Mark Villar, at Miguel Zubiri sa mga ihahalal nilang senador.

Kasama rin sa listahan ng senatorial bets ng INC sina former Vice President Jojo Binay, re-electionist Senator Joel Villanueva, at Sorsogon Governor Francis "Chiz" Escudero.

Ang tatlo ay senatorial guest candidates ng TroPa, ang electoral alliance nina Vice President Leni Robredo at Senator Francis Pangilinan na mahigpit na kalaban nina Marcos at Duterte sa presidential at vice presidential race, respectively.

RELATED STORIES:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gaya ng inaasahan, ang mga kandidatura nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio ang susuportahan ng religious sect na Iglesia Ni Cristo sa May 9, 2022 elections. Inanunsiyo rin ng INC ang 12 senador na iboboto nila.
PHOTO/S: Bongbong Marcos Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results