Pagbabalik ni Anne Curtis sa It's Showtime, ginawang isyu ng bashers ni Kim Chiu

by Jojo Gabinete
May 29, 2022
kim chiu anne curtis it's showtime
Kim Chiu (left) on Anne Curtis's return to It's Showtime: "Alam mo, lagi akong nagko-comment sa 'yo sa IG stories for all your ganaps and everything. And I’m so happy na personal ko nang masasabi sa 'yo na, 'Ate Anne, you’re so amazing! Bongga! Ang cute! Ganyan!' Ngayon, personal ko nang masasabi sa 'yo with feelings and emotions and facial expressions, I’m so happy!”
PHOTO/S: Kapamilya Channel YouTube

Ikinatuwa ni Kim Chiu ang pagbabalik ni Anne Curtis bilang co-host ng It’s Showtime dahil magkakasama na sila nang personal sa isang programa.

Read: Anne Curtis, Take 2 sa prod number sa kanyang pagbabalik sa It's Showtime

On leave si Anne sa noontime show ng Kapamilya Channel dahil nasa Melbourne, Australia siya nang maging regular co-host si Kim ng It’s Showtime noong September 28, 2020.

Read: Kim Chiu joins It's Showtime as regular co-host

Nang magkita sila kahapon, May 28, 2022, tuwang-tuwa at sobrang tinis ng boses ni Kim nang sabihin nitong, "Oh, yes, Ate Anne, we miss you so much!”

Komento si Anne, “Bumaba na ang boses ko. Ibinibigay ko na yung Tinis Trono kay Kim.”

Nagpasalamat si Kim kay Anne at nagkuwento tungkol sa madalas na pag-iiwan niya ng comments sa mga Instagram post ng aktres na mahigit dalawang taong hindi napanood sa It’s Showtime.

Mensahe ni Kim, “Thank you so much, Ate Anne. Alam mo, lagi akong nagko-comment sa 'yo sa IG stories for all your ganaps and everything.

Continue reading below ↓

"And I’m so happy na personal ko nang masasabi sa 'yo na, 'Ate Anne, you’re so amazing! Bongga! Ang cute! Ganyan!'

“Best in comment ako sa IG story. Ngayon, personal ko nang masasabi sa 'yo with feelings and emotions and facial expressions, I’m so happy!”

Sagot si Anne, “I am so excited. Meron pa akong isang paghuhugutan ng energy.”

Mabilis na reaksiyon ni Kim, “Yes, wala ka man mahugot sa akin about parenting, energy na lang!”

Malaki ang naging kontribusyon ni Kim sa It’s Showtime habang wala si Anne dahil marami ang naaliw sa pagiging kikay at mga nakakatawang hirit niya, pero hindi maiiwasang may mga taong ayaw sa kanya.

Naging unfair kay Kim ang bashers na nagsabing puwede na siyang umalis sa It’s Showtime dahil bumalik na si Anne.

Naging malupit din kay Kim ang ilang netizens na ikinukumpara siya kay Anne na hindi makatarungan dahil may kanya-kanya silang abilidad bilang mga aktres at television host.

Continue reading below ↓

kim chiu it's showtime

kim chiu it's showtime

Continue reading below ↓

kim chiu it's showtime

kim chiu it's showtime

Continue reading below ↓

Pero hindi naman nagpabaya ang mga tagahanga niyang todo ang pagtatanggol sa kanya.

kim chiu it's showtime

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu (left) on Anne Curtis's return to It's Showtime: "Alam mo, lagi akong nagko-comment sa 'yo sa IG stories for all your ganaps and everything. And I’m so happy na personal ko nang masasabi sa 'yo na, 'Ate Anne, you’re so amazing! Bongga! Ang cute! Ganyan!' Ngayon, personal ko nang masasabi sa 'yo with feelings and emotions and facial expressions, I’m so happy!”
PHOTO/S: Kapamilya Channel YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results