PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arnell Ignacio, Darryl Yap react to fake news peddlers accusation

Arnell Ignacio at Darryl Yap, balak sampahan ng reklamo si Charie Villa.
by Jojo Gabinete
Published Jun 4, 2022
arnell ignacio darryl yap fake news peddlers
Balak sampahan ng reklamo nina Arnell Ignacio (kaliwa) at Darryl Yap (kanan) ang dating ABS-CBN News executive na si Charie Villa dahil sa paglalabas nito ng listahan, kung saan kabilang sila, na nagpapakalat umano ng fake news.
PHOTO/S: Rose Garcia / Instagram

Kabilang si Arnell Ignacio at ang direktor na si Darryl Yap sa mga entertainment personality na kasali sa listahan ng fake news peddler na inilabas ng veteran broadcast journalist at former ABS-CBN News executive na si Charie Villa.

Ibninahagi ito ni Charie sa kanyang Twitter account noong Huwebes, June 2, 2022.

“Peddlers of fake news. Beware.” ang caption na inilagay ni Charie sa kanyang kontrobersiyal na Twitter post.

charie villa fakew news peddlers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaugnay nito, hiningi ng Cabinet Files ang reaksiyon nina Arnell at Darryl, na kilala rin bilang ardent supporters ni President-elect Ferdinand Marcos. Jr.

Pahayag ni Arnell, “Natawa ako. Si Angeli ang unang nagsabi sa akin. If I’m making my enemies angry, then I must be doing a good job.”

Ang tinutukoy na "Angeli" ni Arnell ay si Angeli Pangilinan-Valenciano, asawa ni Garvy Valenciano.

Certified Kakampink si Angeli at kapatid niya si Senator Kiko Pangilinan na tumakbong vice-president nitong nakaraang national elections.

Ayon kay Arnell, hindi niya inaalis ang posibilidad na pagsasampa ng reklamo laban kay Charie.

Saad niya, “Mag-uusap kami ni Atty. Darwin Caniete at Spokesperson Trixie Cruz- Angeles. Kung si Mystica nga at ang mga pulis, kinasuhan ko.”

Noong May 2020 ay sinampahan ng reklamo ni Arnell, na isa ring die-hard Duterte supporter, si Mystica dahil sa pagmumura nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero sa huli ay nagkaayos ang dalawa at inatras ni Arnell ang mga reklamong inciting to sedition, cyberlibel, at violation sa Bayanihan To Heal As One Act na isinampa niya laban kay Mystica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Arnell Ignacio, sinampahan ng reklamo si Mystica dahil sa pagmumura ng singer sa Pangulo

Kasama rin ang pangalan nina Caniete at Angeles sa fake news peddlers list na ibinahagi ni Charie. Si Angeles ang incoming spokesperson ni Marcos.

Kinumpirma naman ni Darryl sa Cabinet Files ang pagsasampa niya ng kaso laban kay Charie dahil sa paratang nitong nagkakalat siya ng mga balitang walang katotohanan.

“Magsasampa po kami [ng kaso]. Marami kami,” sabi ni Darryl.

Kilala ang controversial director sa pagiging sutil, pero tila naging maamong tupa siya nang sabihing hindi siya makatulog dahil sa masakit na akusasyon ni Charie.

Read: Direk Darryl Yap, nilinaw na hindi dahil sa fake news kaya may warning sa VinCentiments FB page

Bukod kina Arnell at Darryl, kabilang sa listahan ng mga fake news peddler na inilabas ni Charie ang kapwa nito veteran broadcast journalist na si Jay Sonza at ang former broadsheet columnist na si Jojo Robles.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ikaw ang nagpasimula nito Charie kaya maghanda [ka] ng pampiyansa at pangmulta,” mensahe na ipinarating ni Jay kay Charie.

May mga nagpaalaala naman kay Charie na nagkamali ito sa pagdadawit sa pangalan ni Robles dahil tatlong taon na ang nakalilipas mula nang bawian ng buhay ang opinion columnist.

Pumanaw si Robles noong May 23, 2019 dahil sa colon cancer.

Tila hindi apektado si Villa sa mga online bashing na natatanggap dahil hindi niya binubura ang kanyang Twitter post tungkol sa mga tao at online sites na nagkakalat umano ng fake news.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Balak sampahan ng reklamo nina Arnell Ignacio (kaliwa) at Darryl Yap (kanan) ang dating ABS-CBN News executive na si Charie Villa dahil sa paglalabas nito ng listahan, kung saan kabilang sila, na nagpapakalat umano ng fake news.
PHOTO/S: Rose Garcia / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results