PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jake Zyrus, inalala ang yumaong ama nitong Father's Day

“Sana nandito ka. Turuan mo pa ako ng mga bagay-bagay. Patatagin mo pa ako.”
by Jojo Gabinete
Published Jun 20, 2022
jake zyrus father
Jake Zyrus on late father Ricky Pempengco: “Someday, magkakaroon ako ng sarili kong pamilya at ipaparamdam ko sa kanila yung pagmamahal katulad ng naibigay mo sa amin kahit na maigsing panahon lang. Watch over me. Medyo mabigat ang bukas. Pero alam kong nandyan ka lang. salute!"
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook

Ginunita ni Jake Zyrus sa Araw ng mga Ama nitong June 19, 2022 ang kanyang yumaong ama na si Ricky Pempengco sa pamamagitan ng isang social media post.

Pumanaw ang ama ni Jake dahil sa pananaksak sa San Pedro, Laguna, noong October 31, 2011.

Read: Charice Pempengco's father dies from multiple stab wounds

“Sana nandito ka. Turuan mo pa ako ng mga bagay-bagay. Patatagin mo pa ako,” umpisa ng mensahe ni Jake para sa kanyang namayapang ama.

Inaasahan ni Jake na magiging mabigat ang kanyang kinabukasan kaya hiniling niya na gabayan siya ni Ricky.

“Someday, magkakaroon ako ng sarili kong pamilya at ipaparamdam ko sa kanila yung pagmamahal katulad ng naibigay mo sa amin kahit na maigsing panahon lang.

“Watch over me. Medyo mabigat ang bukas. Pero alam kong nandyan ka lang. salute!

"Happy Father’s Day, Dad," mensahe ni Jake para sa kanyang ama na sumakabilang-buhay sa edad na 40.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

jake zyrus post

Kasikatan ni Jake bilang Charice Pempengco at guest star siya sa Glee nang mangyari ang trahedya kaya ibinalita ng BBC, People, at ibang mga entertainment news site sa Amerika ang pagkamatay ng kanyang ama.

Maging sundalo ang pangarap ni Ricky para kay Charice pero hindi ito natupad dahil kulang sa height ang kanyang anak.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi nasubaybayan ni Ricky ang paglaki ni Charice dahil nagkaroon siya ng bisyo at nagkahiwalay sila ng kanyang asawa na si Raquel Pempengco.

Sa panayam kay Charice noong November 2011, nagsalita siya tungkol sa pagmamahal niya sa kanyang ama, kahit malayo sila sa isa’t isa.

Pahayag niya, “I think ang pinakapagsisisi diyan ay ang nangyari before.

"Sana di siya pumunta sa wrong way— sana hindi siya gumamit ng drugs, sana hindi siya sumama sa maling grupo— but in the end he's still my dad.

"At kahit hindi kami nagka-bonding, I think ngayon he still knows na we still love him.

“Kasi kahit na hindi niya na-witness ang paglaki ko, e, kilala niya kung sino ako, and whatever happened in the past, siya pa rin ang daddy ko.

"I don't know how am I gonna move on, I know and I feel that he's just always around,” pahayag ni Charice tungkol sa kanyang ama na hindi na nasaksihan ang transformation niya bilang Jake Zyrus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Charice Pempengco feels sorry her father chose the "wrong way"

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Zyrus on late father Ricky Pempengco: “Someday, magkakaroon ako ng sarili kong pamilya at ipaparamdam ko sa kanila yung pagmamahal katulad ng naibigay mo sa amin kahit na maigsing panahon lang. Watch over me. Medyo mabigat ang bukas. Pero alam kong nandyan ka lang. salute!"
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results