PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Labi ng aktres na si Cherie Gil posibleng iuwi sa Pilipinas

Mga lumang pelikula ni Cherie, ipalalabas sa Viva Cinema.
by Jojo Gabinete
Published Aug 9, 2022
cherie gl leo martinez son
May ilang netizens ang nagsabing kapangalan lamang ni Leo Martinez ang ama ng panganay na anak ni Cherie Gil na si Jay Eigenmann. Pero totoong ang beteranong aktor ang ama ng anak ni Cherie.
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook

Isang malapit kay Cherie Gil ang nagsabing may plano ang pamilya na naulila niya na iuwi sa Pilipinas ang kanyang mga labi. Pero hindi pa kumpleto ang detalye nito.

Pumanaw si Cherie dahil sa endometrial cancer sa isang ospital sa New York City noong August 5, 2022.

Read: Award-winning actress and primera contravida Cherie Gil dies at 59

Kinumpirma ng kanyang pamilya ang pagpanaw ng aktres sa pamamagitan ng opisyal na pahayag na inilabas nila noong Linggo, August 7.

Read: Jay Eigenmann, Bianca and Raphael Rogoff write loving tributes to their mom Cherie Gil

Ang official statement ang Eigenmann-Rogoff family ang dahilan kaya naiwasto ang mga maling impormasyon na lumabas, tulad ng araw ng kapanganakan ng multi-awarded actress.

Isinilang si Cherie noong June 21, 1963 pero May 12, 1963 ang ginamit ng ilang news outlets dahil kinopya nila ang nakalagay sa Wikipedia, na itinuwid na rin ang pagkakamali.

May ilang netizens namang nagmarunong at nagsabing kapangalan lamang ng komedyanteng si Leo Martinez ang ama ng panganay na anak ni Cherie na si Jay Eigenmann dahil sa report na inilabas ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong Linggo, August 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Anak ni Cherie Gil sa dating karelasyon na si Leo Martinez, nakabase rin sa U.S.

Pilit nilang iginigiit na hindi si Leo ang tatay ng panganay ni Cherie, isang pagpapatunay na may mga taong sadyang sarado ang isip at mas pinaniniwalaan ang mga imbento at walang katotohanang balita, kahit napakadali na ang magsaliksik ngayon sa tulong ng modern technology.

Samantala, isang pagpupugay sa mga alaala ni Cherie ang handog ng Viva Cinema TV channel sa darating na Biyernes, August 12.

Buong araw nilang ipalalabas ang mga pelikulang ginawa noon ng aktres sa Viva Films, kabilang na ang Huwag Mong Itanong Kung Bakit (1988), Ngayon at Kailanman (1992), at ang digitally enhanced versions ng Bituing Walang Ningning (1985), at Darna: Ang Pagbabalik (1994).

cherie gil specials

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May ilang netizens ang nagsabing kapangalan lamang ni Leo Martinez ang ama ng panganay na anak ni Cherie Gil na si Jay Eigenmann. Pero totoong ang beteranong aktor ang ama ng anak ni Cherie.
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results