Arnell Ignacio, itinalaga bilang OWWA administrator; tuloy pa rin ang showbiz career

by Jojo Gabinete
Aug 10, 2022
TV host-singer Arnell Ignacio has been apppointed by President Ferdinand Marcos Jr. as the new chief of Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). This is his second time to be appointed in OWWA after former President Rodrigo Duterte designated him Deputy Executive Director V in 2018.
PHOTO/S: Noel Orsal

Si Arnaldo “Arnell” Ignacio ang opisyal na itinalaga ni President Ferdinand Marcos Jr. bilang administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng Department of Migrant Workers noong August 1, 2022.

Read: Stranded Kakampink supporters find a ride; salamat, BBM ally Arnell Ignacio!

Ikinatuwa ito ng maraming overseas Filipino workers dahil nasaksihan nila nang personal ang pagmamalasakit sa kanila ng TV host-comedian.

Si former President Rodrigo Duterte ang unang nagbigay kay Arnell ng posisyon bilang Deputy Executive Director V ng OWWA noong 2018.

Read: Arnell Ignacio resigns from OWWA; returns to showbiz to earn money for sick father

Nagpapasalamat si Arnell sa mga nagtitiwala sa kakayahan nito at bumabati sa kanya, pero hindi madali ang mga responsibilidad ng isang OWWA administrator kaya hinihingi niya ang suporta ng lahat.

Sa kabila ng bagong posisyon ni Arnell sa pamahalaan at public service, ipagpapatuloy raw niya ang pag-aartista basta may libreng panahon siya dahil malaki ang kanyang utang na loob sa showbiz.

Ngayong Miyerkules, August 10, 2022, ang shooting ni Arnell para sa bagong pelikula nito sa Viva Films.

Pero sa kasamaang-palad, kasabay ng anunsiyo ng pagtatalaga sa kanya bilang administrador ng OWWA ang pagpopositibo niya sa COVID-19 kaya naka-quarantine siya sa kasalukuyan.

“Dapat may shooting ako today, na-COVID ako,” pahayag ni Arnell sa pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files ngayong Miyerkules ng umaga.

Pero tuloy ang paglilingkod niya sa OWWA, kahit may karamdaman at isolated siya.

Ayon kay Arnell, tuloy pa rin ang kanyang showbiz career kapag may panahon siya dahil sinabi niya kay Viva Films producer Boss Vic del Rosario, “Basta ayoko lang naman mabura sa showbiz.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host-singer Arnell Ignacio has been apppointed by President Ferdinand Marcos Jr. as the new chief of Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). This is his second time to be appointed in OWWA after former President Rodrigo Duterte designated him Deputy Executive Director V in 2018.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results