PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Labi ni Cherie Gil, cremated na; balak dalhin sa Bukidnon

Nakapagdaos na ng "Celebration of Life" para sa showbiz icon
by Jojo Gabinete
Published Aug 13, 2022
Cherie Gil with her son Raphael Rogoff at her farmhouse in Bukidnon
Kuha ang larawan sa kanan sa kanyang farm sa Bukidnon. Kasama niya ang bunsong anak na si Raphael Rogoff. Ang larawan naman sa kaliwa ay kuha noong December 2020. Ang kanyang caption sa Instagram, "Looking up and forward with hope amidst nature towards the future. Trusting that life will always be better after the long storm #casadeamour #welcometotheforest #looktothelight"
PHOTO/S: @macherieamour on Instagram

Walong araw na ang nakararaan buhat nang malaman ng mga Pilipino ang pagpanaw ng multi-awarded actress na si Cherie Gil noong August 5, 2022.

Binawian ng buhay si Cherie sa isang ospital sa New York City dahil sa endometrial cancer. Siya ay 59 years old.

Na-cremate na ang kanyang mga labi, na hinihintay na lamang matanggap ng naulila niyang pamilya.

Nakapagdaos na rin ng "Celebration of Life" para sa sumakabilang-buhay na showbiz icon.

Dumalo sa pagtitipon ang mga anak ni Cherie na sina Jay, Bianca, at Raphael; ang mga magulang niyang sina Rosemarie Gil at Eddie Mesa; mga malalapit niyang kaibigan.

Plano ng pamilya ni Cherie na iuwi sa Pilipinas ang kanyang cremated remains, at dalhin sa Bukidnon na itinuturing niyang santuwaryo.

Ang farm ni Cherie sa Bukidnon ang isa sa kanyang mga pinakapaboritong lugar, ayon sa kaibigan niyang si Alfred Vargas.

"Her face lit up telling me about her farm in Bukidnon and how she loved staying there,” ang kuwento ni Alfred sa panayam sa kanya ng Cabinet Files tungkol kay Cherie noong August 6, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinatotohanan din ni Senate President Juan Miguel Zubiri, na nagmula sa Bukidnon ang pamilya, na malapit sa puso ni Cherie ang kanilang lalawigan.

"I am blessed to have met you many times in Bukidnon together with your dear friends, the Perrines, and loved how you spoke fondly of my beloved province,” ang sabi ni Zubiri na tinawag si Cherie na “ beautiful person in and out.”

Hinihintay ng mga tagahanga at supporter ni Cherie ang pagbabalik ng mga labi nito sa Pilipinas para makapagbigay-pugay sila sa namayapang aktres sa huling pagkakataon.

Ang pagkawala ni Cherie ang dahilan para magkaroon ng interes ang ating mga kababayan na panoorin ang mga timeless movies niya sa Vivamax tulad ng Bituing Walang Ningning (1985), kung saan niya sinabi kay Sharon Cuneta ang "copycat" line; Darna: Ang Pagbabalik (1994), kung saan gumanap si Cherie bilang Valentina ni Anjanette Abayari; Ang Babaeng Nawawala sa Sarili (1989), na pinagbidahan nina Dina Bonnevie at Tonton Gutierrez; Palimos ng Pag-ibig (1986), na pinagbidahan nina Vilma Santos at Edu Manzano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kuha ang larawan sa kanan sa kanyang farm sa Bukidnon. Kasama niya ang bunsong anak na si Raphael Rogoff. Ang larawan naman sa kaliwa ay kuha noong December 2020. Ang kanyang caption sa Instagram, "Looking up and forward with hope amidst nature towards the future. Trusting that life will always be better after the long storm #casadeamour #welcometotheforest #looktothelight"
PHOTO/S: @macherieamour on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results