Ang Star for All Seasons na si Vilma Santos ang pinakamasaya dahil magkakaroon na siya ng apo sa kanyang anak na si Luis Manzano at manugang na si Jessy Mendiola.
Read: Vilma Santos, excited nang maging "Momsie" sa first baby nina Luis Manzano at Jessy Mendiola
Labis na ikinatuwa ng multi-awarded actress ang magandang balita, pero higit na nadagdagan ang kanyang kaligayahan dahil babae ang unang magiging apo niya.
Sa exclusive interview ng Cabinet Files ngayong Biyernes ng umaga, August 26, 2022, ipinahayag ni Ate Vi ang kaligayahang nararamdaman tungkol sa pagkakaroon nila ng bagong miyembro ng pamilya.
“Heaven ang pakiramdam… may apo na ako na coming plus girl pa!” tuwang-tuwang sabi ng Star for All Seasons.
“Dalawang boys ang anak ko [Luis and Ryan Christian], barako ang pakiramdam, pero ngayon may girl na!
“Sarap sigurong ayusan. Hindi ko alam ang pakiramdam till I see her! Basta… sooo excited ako. Tapos girl pa!
“Praying for Lucky, Jess, and Peanut,” masayang-masaya at punumpuno ng excitement na lahad ni Ate Vi.
“Peanut” muna ang tawag ng actress-politician sa kanyang paparating na apo.
Sa panayam ng PEP.ph sa kanya noong November 2021, sinabi ni Ate Vi na tiyak na magiging spoiler, makulit at nice na lola siya.
"Momskie" naman ang gusto ni Ate Vi na itawag sa kanya ng magiging apo na tiyak na palagi niyang “hihiramin” mula kina Luis at Jessy.
Read: Vilma Santos on having her first apo: "Excited pero ayokong ma-pressure."