Marco Gumabao, "ridiculously good-looking" kung ilarawan ng Malaysian leading lady

by Jojo Gabinete
Sep 15, 2022
marco gumabao the girl he never noticed
Mapapanood simula sa September 20, 2022 sa Singapore streaming site na MeWatch ang Season 1 ng The Girl He Never Noticed, ang eight-episode drama series na pinagbibidahan ni Marco Gumabao at ng Malaysian actress na si Tess Pang.

Simula sa September 20, 2022, mapapanood sa Singapore streaming site na MeWatch ang Season 1 ng The Girl He Never Noticed, ang eight-episode drama series na pinagbibidahan ni Marco Gumabao at ng Malaysian actress na si Tess Pang.

Isang popular novel na may 224 million views sa online social reading platform na Wattpad ang The Girl He Never Noticed, na isinulat ng popular Filipino author na si Neilani Alejandrino.

Ang shooting sa Singapore ng on-screen adaptation ng The Girl He Never Noticed ang dahilan ng isang buwan na pagkawala ni Marco sa Pilipinas noong June 2022.

Read: Marco Gumabao, balik-trabaho pagkatapos magpahinga ng mahigit isang buwan

"Ridiculously good-looking" ang pagsasalarawan kay Marco ni Tess, na tuwang-tuwang ibinalita ang nalalapit na streaming ng kanyang kauna-unahang pagbibida sa isang serye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaking karangalan naman para kay Marco na siya ang napili para gampanan ang karakter ni Eros Petrakis.

“It’s finally out! I’ve been trying my best to keep this a secret for the past few months but here it is!

“This was the project we were working on when I was in Singapore and I’m so honored because they chose me to play the part of Eros Petrakis, get ready to meet the billionaire badass soon!” rebelasyon ni Marco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bidang-bida at napakalawak ng exposure ni Marco sa kanyang unang international project.

Pilipinong-Pilipino ang kuwento ng The Girl He Never Noticed.

Tungkol ito kay Eros, ang anak ng isang negosyanteng bilyonaryo na pinakiusapan ang kanyang personal secretary na si Jade, na ginagampanan ni Tess, na magpanggap bilang fiancée niya.

Incidentally, iniimbitahan ni Neilani ang lahat ng Wattpad fans sa kanyang meet-and-greet na magaganap bukas, September 16, mula 2:30 p.m. hanggang 3:30 p.m., sa Wattpad booth sa Manila International Book Fair sa SMX Convention Center, Pasay City.

Mapapanood sa Wattpad booth ang official trailer ng The Girl He Never Noticed at mamamahagi rin si Neilani ng T-shirts ng series nina Marco at Tess sa unang dalawampung (20) tao na makakasalamuha niya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mapapanood simula sa September 20, 2022 sa Singapore streaming site na MeWatch ang Season 1 ng The Girl He Never Noticed, ang eight-episode drama series na pinagbibidahan ni Marco Gumabao at ng Malaysian actress na si Tess Pang.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results