Gold Aceron at Kych Minemoto, nag-enjoy sa love scene nila sa May-December-January

by Jojo Gabinete
Sep 17, 2022
kych gold in uniform
Gold Aceron (right) on love scene with Kych Minemoto (left): “Nawala yung ano… hindi ako nandidiri kay Kych, nanggigil pa nga ako. Yung puwet niya, pinipisil-pisil ko pa. Ganoon, e. Happy kami, e. Sabi nga ni Kych noon, ‘Tol, huwag mong masyadong diinan, bumubuka. Yung hangin pumapasok.’ Love ko si Kych. "
PHOTO/S: Viva Films

Ibang aktor ang unang choice para gumanap na gay son ni Andrea del Rosario sa pelikulang May-December-January, pero may conflict sa schedule nito kaya napasakamay ni Gold Aceron ang role.

Kung sakaling panoorin ng aktor ang proyekto na kanyang tinanggihan, imposibleng hindi siya makaramdam ng panghihinayang sa oportunidad na pinakawalan niya.

Si Kych Minemoto ang gumanap na love interest ni Gold sa pelikula.

Kapwa nagpapasalamat ang dalawa sa direktor na si McArthur Alejandre dahil sa paggabay nito sa kanila, lalo na nang kunan ang love scene nilang magpapatulo sa luha ng manonood at isa sa mga highlight ng May-December-January.

Ayon kay Gold, ang mahusay na direksiyon ni Alejandre ang dahilan kaya nag-enjoy siya nang husto sa love scene nila ni Kych.

“Nag-enjoy talaga ako sa love scene namin. Nandoon yung love. Iba siya, iba yung naramdaman ko sa eksena namin ni Kych.

“Nawala yung ano… hindi ako nandidiri kay Kych, nanggigil pa nga ako. Yung puwet niya, pinipisil-pisil ko pa. Ganoon, e. Happy kami, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi nga ni Kych noon, ‘Tol, huwag mong masyadong diinan, bumubuka. Yung hangin pumapasok.’

“Love ko si Kych. Love ko si Direk, ang solid ng mga love scene,” walang kamali-malisyang kuwento ni Gold tungkol sa eksenang ginawa nila para sa kanilang pelikula na ipalalabas sa mga sinehan sa October 12.

gold aceron kych minemoto intimate

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman napigilan ni Kych ang sariling sabihan ng “I love you, bro!” si Gold nang marinig niya ang pahayag ng kanyang co-star.

Tulad ni Gold, ipinagtapat ni Kych na nag-enjoy rin siya sa shooting ng love scene nila sa May-December-January.

Kuwento ni Kych, “Sa eksena namin ni Gold, ang feeling ko kaya kami nag-enjoy kasi alam namin na trabaho. Gigil na kami na, 'Tara, pagandahin natin ito.'

“Yung kissing scene namin, with love din talaga and passion na, 'Pagandahin natin ang eksena. Mahal kita bilang tropa.'

"Yung gigil, yung grasp namin, sobrang damang-dama namin yung agos, yung rhythm namin, madadama.

"Then, after noon, 'Okay, cut!' Tinginan kami, 'Okay yun, ah! Ang ganda!' Nag-enjoy kami, sobra.

“Masarap din pala katrabaho yung ka-close mo na kaibigan kasi mas propesyonal kayo at napag-uusapan ninyo ang bawat eksena.

"I love you, bro!” ang nadala ng emosyong deklarasyon ni Kych para kay Gold.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gold Aceron (right) on love scene with Kych Minemoto (left): “Nawala yung ano… hindi ako nandidiri kay Kych, nanggigil pa nga ako. Yung puwet niya, pinipisil-pisil ko pa. Ganoon, e. Happy kami, e. Sabi nga ni Kych noon, ‘Tol, huwag mong masyadong diinan, bumubuka. Yung hangin pumapasok.’ Love ko si Kych. "
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results